Home Headlines Carolling nagsimula na

Carolling nagsimula na

969
0
SHARE

SAMAL, Bataan Nagsimula na ang caroling sa bayan ng Samal sa Bataan noong Miyerkules bilang hudyat na sadyang malapit na ang Pasko.

Sinimulan ng mga kasapi ng Women of the Philippine Independent Church (WOPIC) ang tradisyunal na carolling upang makalikom ng pondo para sa kanilang mga proyekto.

Hindi lamang umaawit ng mga Christmas carols ang mga babae kundi masayang sinasabayan pa ng pag-indak. .

Mismong si Rev. Fr. Mario Dilig, kura paroko  ng Iglesia Filipina Independiente ng  Parish of St. Catherine of Siena ng Samal, ang gumabay sa mga “dancing carollers.” 

Samantala, abala ang mga kasapi ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Sta. Lucia  sa paghahanda ng isang malaking parol upang ilahok sa paligsahan ng mga parol na lalahukan ng 14 na barangay sa Samal.

Tulong-tulong ang mga kabataan sa pagbuo ng makulay na parol na gawa sa mga basyong botelya ng softdrink at mga recycled materials. (30) 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here