Carla Abellana nakipagkalas na kay Geoff Eigenmann

    361
    0
    SHARE

    SABI NA nga ba at may ibig sabihin ang sagot ni Gina Alajar na “in-announce na ba niya?” (ni Carla Abellana) nang tanungin kung break na ang anak na si Geoff Eigenmann at Carla.

    Sa Startalk last Sunday, “we are no longer together” ang sagot ni Carla sa tanong ni Heart Evangelista kung sila pa ni Geoff.

    “Geoff and I are two different people. We don’t share the same values, madalas ’di kami nagkakasundo kesa magkasundo, small things nag-contribute to big things. Mas nagka-clash kami kesa magka-sundo,” umiiyak na pahayag ni Carla sa pagwawakas ng almost four years nilang relasyon.

    Nilinaw ni Carla na walang third party sa breakup nila ni Geoff at ang mahirap sa kanya, hindi lang kay Geoff siya nakipag-break, kundi sa buong Eigenmann family na naging close sa kanya at feeling nga niya, part na siya ng Eigenmann family.

    Wish ni Carla ang next na mamahalin ay siya na ang last at aalagaan siya. Sa presscon ng So, It’s You nina Carla, Tom Rodriguez at JC de Vera, tiyak na ang breakup ang mga itatanong sa aktres.

    Sa May 7, ang showing ng Regal Entertainment movie.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here