Carl Guevarra, umaming nanliligaw kay Kris Bernal

    422
    0
    SHARE

    Wala pang isang buwan pero umamin si Carl Guevarra  na nanliligaw siya kay Kris Bernal.

    Hindi niya itinatago dahil seryoso raw siya sa nararamdaman sa young actress.

    Kaya naman hindi siya nag-alangan  na  makita sila  ng press na  magkasama sa isang resto sa Tomas Morato dahil honest siya intension niya kay Kris.

     Mga two weeks na raw nu’ng magsama sila sa  isang mall  show sa Cebu at nagkahingian ng numero.

    Ngayon ay pinapadalhan niya ng bulaklak ang dalaga.

    Saglit daw silang nagkasama noon sa seryeng ‘The Prince’ pero nirespeto niya ang loveteam nina Kris at Aljur Abrenica. Ngayon lang daw siya nagkaroon ng chance na makapag-usap sila nang mabuti.

    Kalilipat din daw niya noon  sa GMA 7 at trabaho muna ang inatupag niya although may attraction na si Kris sa kanya.

    Hindi pa raw siya  nakakaakyat ng ligaw sa bahay nina Kris pero tuma-timing daw siya.

    Anyway, ang show ni Kris na ‘Hiram na Puso’ ang papalitan ng  show nina Carl , Jennylyn Mercado at Sid Lucero na “Hindi ka Na Mag-iisa’ na magsisimula sa  July 9 sa GMA 7.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here