Career path ni Jake Cuenca binago nina Gerald at Kim

    313
    0
    SHARE
    Ilang tulog na lang, magwawakas na ang paborito naming  teleserye sa Dos, ang Tayong Dalawa.

    Aminado si Jake Cuenca  na  maraming pagbabago ang nangyari sa buhay niya mula nang gumanap siya bilang Dave na ka-love triangle nina Gerald Anderson (JR) at Kim Chui (Audrey).

    Bukod sa kanyang  hectic schedule, ‘di hamak na mas maraming nakakakilala na  ngayon  sa aktor.

    “Dati kasi ‘pag namamasyal ako sa  mall,  walang pumapansin sa akin. Ni  walang  bumabati,”  naka-ngiting kuwento niya.        Dumaan kami sa photo shoot ni Jake at doon namin siya  nakausap.  At doon  ay nasaksihan namin  kung pa-ano siya pagkaguluhan ng fans ngayon. 

    In fairness sa aktor, hindi siya maramot sa  fans. Ito ang gusto namin sa kanya  eversince, warm siya.

    Mararamdaman mo na gusto niya talaga ang kanyang pag-aasikaso sa fans.    

    “Sa ngayon, talagang  sobrang blessed ako. kaya nagpapasalamat ako sa  Diyos, sa ABS-CBN at  sa la-hat ng supporters ko. Pero ngayon ang pinuproblema ko talaga ay ‘yong  acting eh,  ‘yong demands ng show  for acting. Lahat ng atensyon ko, ibinubuhos ko sa  last 15 days ng show,   saka  confident kami na  ‘yong ending namin  will cater to everyone,” sabi pa ni Jake.

    Teka, ano ba ang mang-yayari kay Jake sa  katapusan ng  kuwento ng Tayong Dalawa?

    “Basta, it’s an ending that will cater to everyone. Panoorin n’yo na lang”        

    Kahit hindi pa tapos ang Tayong Dalawa, heto at malapit na ring simulan ni Jake ang Ruby, Pinoy version ng  hit na  Mexican te-lenovela five years ago,  at gaganap siya bilang  si Alejandro, ang lalaking mapupusuan ni Ruby.


    Hindi lamang sa ABS-CBN nagpapasalamat si Jake. Maging sa GMA7 ay hindi siya nakalilimot.        

    Aniya,  nagkita raw sila kamakailan ng  ilang executives ng Kapuso sa premiere   ng Pangarap Kong Jackpot na produced ng mag-asa-wang  Direk Carlo J. Capa-ras at Donna Villa, kung saan bida siya,  at  malugod  daw siyang binati ng mga ito sa  tagumpay  na tinatamasa niya ngayon sa kabilang network.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here