I WAS singled out. This is clearly a political persecution. I did not do this alone, there are department heads who should have done their work properly and effectively. I am not the one doing assessment of businesses or checking if their documents are in order.
Malungkot ako kasi pare-pareho lang naman kami ng ebidensya pero masakit man sabihin, singled out ako. Nakapaghain naman kami ng sapat na ebidensya.
Itong mga specific na statements na ito lalo na ni (former) Vice Mayor Charlie (Santos) at (business permit and licensing office head) Emerald (Vital), meron po kaming nai-present na ebidensya na hindi po ito totoo.
Mga nakakarimarim na kasinungalingan ang kanilang pahayag sa Ombudsman hearing na nakakalungkot yan pa ang kinatigan para madiin lang ako sa kasinungalingan. Si Vice Charlie ikaw na mismo ang lumapit sakin at alam mo ang totoo.
Bagamat ganyan, nalulugod din ako lalo ang mga kasama kong konsehal sa Team Bayung Porac na napawalang sala dahil apektado sila ng anim na buwan na di sila nabigyan ng pagkakataon na manilbihan.
On appeal na po ang hatol ko, umaasa po kami na mabibigyan ng Ibang evaluation ang aming defenses sa appeal. Sa akin naman hindi naman po kami nagbabago ng inihaing ebidensya. Nananalangin at umaasa po ako na sa apila ay katigan ng korte ang aming mga depensa na wala naman po akong pagkakasala sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) na yan na nagsimula naman na lehitimong negosyo.
Nirerespeto po natin ang desisyon ng Ombudsman. Tayo po ay mag-aapela sa Court of Appeals at maari din po itong idulog hanggang sa Supreme Court. This would be a long drawn-out legal battle. In the meantime po, tuloy po ang ating kandıdatura sa pagka mayor at hindi ko po tatalikuran ang mga Poraquenos na patuloy na sumusuporta sa akin.
Tuloy po ang ating kandidatura. Wala po tayong ninakaw na pera sa kaban ng bayan. Malinis po ang aking panunungkulan at malaki po ang ipinagbago ng Porac.
Vox populi, vox Dei. The voice of the people is the voice of God.
SADDENED OVER the Ombudsman on April 4 ordering his dismissal from office for “gross neglect of duty” due to the POGO mess, Mayor Jaime “Jing” Capil remains hopeful of his acquittal in his appeal, and oozing with confidence that he will win his re-election bid with, he says, 80% of Porac’s 80,000 voters solidly behind him.
(Excerpted from media interviews and statements in public gatherings –The Editor)