Bukod daw sa bigat ng pangangailangang pinansiyal ay ramdam ni Nicolas ang epekto ng gamutan sa kanyang emosyon.
Kaya naman nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan nang personal siyang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ward sa cancer institute ng PMC nitong Miyerkules.
“Basta raw manalig lang sa Panginoon at makaka-survive,” kwento ni Nicolas hinggil sa sinabi sa kanya ni Duterte. Ani Nicolas, kahit paano’y gumaan ang kanyang pakiramdam sa mensahe ng pagdalaw ng pangulo.
Isa si Nicolas sa anim na cancer patient sa PMC nang dumalaw si Duterte sa Cabanatuan City bilang panauhin sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng ospital.
Dinalaw sila ng pangulo matapos magsalita sa harap ng may 800 tao, kabilang ang mga opisyal ng PMC at mga lokal na opisyal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Nueva Ecija.
Bukod sa mensahe ng suporta, nagbigay rin ang pangulo ng tulong pinansiyal sa mga pasyente, ayon kay Nicolas.
Samantala, nanindigan si Duterte na hindi matatapos ang mga patayan kaugnay ng kampanya ng gobyerno kontra droga hangga’t may natitirang pusher sa lansangan at druglord.