Ito ang epekto ng backflooding dahil sa pag-apaw ng tubig sa Pampanga river dala ng pag-uho ng tubig mula sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga.
Ayon sa mga residente ng Sapang Bayan na sina Lucia Lopez at Ma.Lucia Baltazar, nananatili pa rin sila sa evacuation center dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig na sinasabayan pa ng high tide.
Ang Barangay Poblacion at Barangay Sapang Bayan ang lubhang naaapektuhan ng backflood. Ilang purok sa Sapang Bayan ay abot dibdib na ang baha at ga-bewang naman sa mga daanan. Umaabot na sa 68 pamilya na may kabuuang bilang na 264 katao ang nasa loob ng Provincial Training Center sa Poblacion.
Ayon sa mga evacuees, suportado naman sila ng lokal na pamahalaan dahil sa nirarasyunan sila ng pagkain araw-araw sa evacuation center.
Problemado ang madami na nasa evacuation center dahil sa mga alipungang dumapo sa mga paa ng mga bata at may edad na residente sa nasabing lugar.
Nangangamba ang marami sa kanila na tumaas pa ang tubig baha sa Calumpit dahil sa pagbaba ng tubig baha sa Pampanga River mula Nueva Ecija at Pampanga.