CABANATUAN CITY
    SC, nag-isyu ng TRO laban sa plebesito

    384
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang plebesito para sa pagtataas ng antas ng lungsod na ito mula sa pagiging component patungong highly urbanized city (HUC) na nakatakdang ganapin sa ika-25 ng Enero.

    Sa en banc resolution na inisyu ng SC nitong Martes, inatasan ang Commission on Elections, si Mayor Julius Cesar Vergara at ang pamahalaang lungsod na tumigil sa implementasyon ng Comelec Minute Resolution 13-1353.

    Ang temporary restraining order ay pinalabas ng hukuman batay sa petisyon ni Gov. Aurelio Umali na humihiling na pabotohin sa plebesito ang mahigit 1.4 milyon rehistradong botante ng Nueva Ecija.

    Nauna nang hiniling ito ni Umali sa Comelec pero nagdesisyon ang komisyon noong Disyember 2013 na tanging rehistradong botante lamang ng lungsod na ito ang maaaring makilahok sa plebesito kung saan boboto ng ‘yes’ ang mga pabor sa HUC at ‘no’ ang tutol sa panukala.

    Kapag nanalo ang ‘yes’ ay tuluyang mahihiwalay ang lungsod na ito sa hurisdiksiyon ng Nueva Ecija. Ang mga residente ng lungsod ay hindi na maghahalal ng gubernador, bise gubernador at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan.

    Nangangahulugan ito na mawawala na ang “supervisory at administrative power” ng probinsiya sa lungsod, ang itinuturing na sentro ng edukasyon at kalakalan sa Nueva Ecija. Sa en banc resolution, mananatili ang TRO hangga’t hindi ito binabawi ng SC. Kapwa naman wala pang natatangap na kopya ng TRO sina Umali at Vergara.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here