Home Headlines Buy-bust: P1.8-M shabu nasamsam sa sikyu

Buy-bust: P1.8-M shabu nasamsam sa sikyu

770
0
SHARE

Ang naarestong drug suspect na si Tisado habang nasa kustodiya ng Malolos police.



LUNGSOD NG MALOLOS
 — Nasamsam ng mgaotoridad ang P1.8milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation.

Arestado ang drug suspect na si Joerly Tisado alyas Boy Driver, 33, isang security guard, at residente ng Barangay Tiaong, Guiguinto.

Ayon kay Capt. Jerico Redon, chief intelligence officer ng Malolos police station, nabalitaan nila na nagbabagsak ang suspek ng droga sa Malolos at bayan ng Guiguinto kayat ikinasa ang operasyon laban dito.

Ang nasamsam na 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.8-M. Kuha ni Rommel Ramos

Kumagat sa transaksyon ang suspect at agad na dinakip ng pulisya kung saan nasamsam mula dito ang 300 gramo ng hinihilang shabu na may estimated street value na P1.8 million.

Itinatanggi naman ni Tisado na sa kaniya galing ang naturang droga at wala siyang alam sa ganitong transaksyon.

Ang drug suspect ay nakaditene sa Malolos police custodial facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here