Home Headlines Bustos Dam tuloy sa pagpapakawala ng tubig, supply ng irigasyon tigil muna

Bustos Dam tuloy sa pagpapakawala ng tubig, supply ng irigasyon tigil muna

535
0
SHARE
Ang patuloy na pagpapakawala ng Bustos Dam ng tubig. Kuha ni Rommel Ramos

BUSTOS, Bulacan — Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Bustos Dam dahil patuloy sa pagtaas ng water level nito bunga ng mga pag-ulan at pansamantala na ring itinigil muna ng National Irrigation Administration ang supply ng irigasyon sa Bulacan at Pampanga.

Ito na ang ika-apat na araw na nagpapapakawala ng tubig ang Bustos Dam na may water discharge na 60.32 cubic meter per second at nakabukas ang isang sluice gate nito ng isa at kalahating metro.

Ang water level ngayon ng dam ay 17.30 meters na mababa ng 0.5 metro mula sa 17.35 meters spilling level.

Kasunod nito, pinag-iingat pa rin ng pamunuan ng dam ang mga residente na naninirahan malapit sa Angat River dahil sa posibleng epekto ng pagpapakawala na ito ng tubig mula pa noong Biyernes.

Samantala, itinigil ng NIA ang pagbibigay ng supply ng irigasyon sa palayan ng Bulacan at Pampanga bilang bahagi ng standard operating procedure upang hindi masira ang mga palayan dahil puno na ang tubig sa mga irrigation canal dahil sa patuloy na pag-ulan.

Aapaw na daw kasi ang tubig sa mga irrigation canal at baka ikasira naman ng mga pananim kapag nagpatuloy pa ito sa pagsu-supply ng tubig irigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here