Home Headlines Bustos Dam tuloy sa pagpapakawala ng tubig

Bustos Dam tuloy sa pagpapakawala ng tubig

611
0
SHARE
Nakabukas ng tatlong metro ang dalawang sluice gate ng Bustos dam dahil sa patuloy na pagtaas ng water level nito. Kuha ni Rommel Ramos

BUSTOS Bulacan —- Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Bustos Dam matapos ang ilang araw na naranasang pag-ulan.

Simula Enero 10 hanggang sa kasalukuyan ay nakabukas ng tatlong metro ang tatlong sluice gate nito na naglalabas ang 135.63 cubic meter per second na lakas ng tubig.

Patuloy daw kasi na tumataas ang tubig sa nasabing dam kayat kailangan na magpakawala ng tubig. Sa ngayon, ang water level nito ay 17.28 meters na malapit sa 135 meters spilling level.

Kasunod nito ay nagpa-alala na rin ang namamahala ng Bustos Dam sa mababang lugar sa Angat River na maaring maakpektuhan ng patuloy na pagpapakawala ng tubig.

Samantala, sa bayan ng Calumpit ang mga barangay Sapangbayan, Gugo, San Miguel, at Bulusan ay ngayon pa lang humuhupa ang pagbaha dahil sa ilang-araw na pag-ulan at pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here