Rumagasa ang pinakawalng tubig mula sa Bustos Dam. Kuha ni Rommel Ramos
BUSTOS, Bulacan — Dahil sa magdamag na naranasang pag-ulan ay nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam nitong Huwebes.
Nagbukas ng tatlong gate ang dam upang ma-maintain ang level ng tubig na 17 meters matapos na umakyat ang water level nito sa 17.18 meters.
Ayon kay Edgardo Cruz, gate keeper ng Bustos Dam, nagbukas sila ng steel gate ng dam dahil patuloy na tumataas ang level at lumagpas sa overflowing level na 17.34 meters.
Aniya, maaaring sa magdamag na pag-ulan ay ngayon pa lang bumababa ang tubig mula sa kabundukan at dumedercho sa Bustos Dam.
Sa ngayon ay naibaba na sa 17.14 meters ang level ng tubig dito at mananatiling bukas ang tatlong steel gate para mamentena ang nasabing water elevation.
Bagamat hindi inaasaahan na magdudulot ito ng pagbaha ay nagpaalala ang pamunuan ng dam sa mga residente sa gilid ng Angat River ng ibayong pag-iingat.
Samantala, batay sa tala ng PDRRMO, ngayong Huwebes ang water level sa Angat Dam ay 180.94meters at ang spilling level nito ay 212 meters habang ang Ipo Dam naman ay 101.04 meters mula sa spilling level nito na 101 meters.