Home Headlines Bustos Dam nagpakawala ng tubig, 5 barangay sa Calumpit baha

Bustos Dam nagpakawala ng tubig, 5 barangay sa Calumpit baha

800
0
SHARE
Nagbukas ang Bustos Dam ng dalawang rubber gate at apat na sluice para patapunin ang malaking tubig ulan na dulot ng Bagyong Karding. Kuha ni Rommel Ramos

BUSTOS, Bulacan — Binuksan ang apat na sluice gate at dalawang rubber gate ng Bustos Dam sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon kay Francis Clara, acting head ng Bustos Dam water control coordination unit, umabot sa 1,256 cubic meter per second ang lakas ng tubig na napakawalan sa dam dahil sa malakas na water inflow dulot ng malakas na pag-ulan.

Ani Clara, umakyat sa 1,400 cms ang local inflow ng dam at 17.10 meters naman ang water level nito nang magpakawala sila ng tubig bago maabot ang 17.35 meters spilling level.

Bagamat nitong Lunes ng umaga ay bumaba na sa 16.10 meters ang water level ng dam, sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ito sa pagpapakawala sa lakas na 120 cms.

Sa ngayon ay wala pang abiso ang naturang pamunuan kung titigil na ang pagpapakawala ng tubig depende sa water inflow at dito din babagsak ang pinapakawalan na tubig ng Ipo Dam.

Samantala, ayon sa Calumpit MDRRMO, nakararanas na ng hanggang apat na talampakan na pagbaha ang mga barangay ng Sapang Bayan Meysulao, Bulusan, Sta. Lucia, at Calison sa bayan ng Calumpit dahil sa ulan at hightide.

At dagdag na rin sa pagbaha dito ang pagpapakawala ng tubig ng Ipo at Bustos dam kayat pinag-iingat nila ang mga residente na malapit sa kailugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here