Home Headlines Bustos Dam lumagpas sa spilling level sa pananalasa ni Ulysses

Bustos Dam lumagpas sa spilling level sa pananalasa ni Ulysses

804
0
SHARE

Kulay putik ang tubig na umaagos sa Bustos Dam na nagmumula sa Bustos watershed area bunga ng malakas na ulan na dala ng bagyong Ulysses. Kuha ni Rommel Ramos


BUSTOS, Bulacan — Umakyat ng 18.08 meters ang water level ng Bustos Dam sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Bustos Dam operator Edgardo Cruz, lumagpas sa 17.50 meters spilling level ang dam bandang alas-10 kagabi.

Ang tubig na ito ay di hamak na mas malaki daw kung ikukumpara sa pananalasa noon ng bagyong Ondoy na umabot lamang sa 17.58 meters ang taas ng tubig sa nasabing dam.

Ito daw ang kauna-unahang pagkakataon na pumalo sa 18.08 meters ang tubig sa Bustos Dam na patunay lamang kung gaano kalakas ang ulan na dala ng bagyong Ulysses.

Sa kasalukuyan ay deflated ang tatlong rubber gates ng dam at nakabukas ang tatlong sluice gate ng tig-tatlong metro na nagpapakawala ng mahigit 2,000 cubic meter per second na lakas ng tubig at ang water level nito ay nasa 16.8 meters.

Hindi pa daw matukoy sa ngayon ng pamunuan ng Bustos Dam kung hanggang kailan sila magpapakawala ng tubig dahil sa malaki pa rin ang volume na nagmumula sa Bustos watershed at dito din ang bagsak ng pinakawalang tubig ng Angat at Ipo dam.

Dahil dito ay nagpa-alala ang pamunuan ng Bustos Dam sa mga residenteng nasa kahabaan ng Angat River dahil sa posibleng pagbaha na dulot ng pagpapakawala na ito ng tubig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here