sa ‘illegal drug trade’ ay humihirit pa,
na siya’y di sangkot gayong ang lahat na
ng mga testigo ibinuko na siya
Na diumano nga ay di lang ilang milyon
ang natanggap niya mula sa koleksyon
ng mga ‘drug lords’ na inobliga nitong
magbigay sa kanya ng kaukulang ‘tong’
Galing sa kita r’yan nitong nagtutulak
ng shabu at iba pang labag sa batas;
Na kung kumita sa ganyang aktibidad
ay milyones kaya para na ring ambag
Ng naturang ‘inmates’( na kapitalista,
nitong ‘illegal trade’) kay Leila de Lima
(ang pera) para sa balak pa lang niya
na pagtakbo noon bilang Senadora
Kaya nga’t umpisa yatang 2014
o mas maaga pa – ang dating Kalihim
ng DOJ nagumpisa nang mangikil
sa BuCor ng kanyang kuwartang gagamitin.
Kaya kung sumain ang perang nalikom
ni De Lima mula sa Bilibid Prison,
posibleng umabot ng ‘hundreds of millions,’
kaya nga’t panalo sa pagka-senador?
Pero ang masaklap sa puntong naturan
ay kung sino pa riyan ang naging alalay
at ‘confi dant’ bale ng kagalang-galang
Na dating Kalihim nga ng Katarungan
Ay itong sa ngayon biglang bumaligtad
at ikinumpisal sa harap ng lahat
ang umano’y pagkakasangkot at sukat
Ni Madam sa iligal na aktibidad.
At hayan kahit na medyo sintunado
ay ikinanta na sa Congress, Senado
at sa harapan ng bawat Filipino
ang lahat ng hinggil kay De Lima mismo.
Sakali’t lumabas na katotohanan
ang lahat ng akusasyon sa taong yan
ng mga tumayong testigo (ng bayan)
laban sa kanya ay anong maasahan
Na mas epektibo’t agarang pagkilos
ng gobyerno laban sa iba pang bulok
na opisyal nating posible ring sangkot
sa ‘pagnenegosyo’ ng bawal na gamot?
Sana ay huwag maging ningas kugon lamang
ang administrasyong Duterte, kabayan
nang sa gayon ay maputol nang lubusan
ang anumang bagay na di karampatan
Na hanggang ngayon ay tila patuloy pa
ang pamamayagpag nitong kumikita
sa ganyan bagama’t batid ng lahat na
kung anong posibleng kahantungan nila.
Pasasaan ba at hindi matitigil
ang ganito kapag ang dating Kalihim
ng DOJ ay di mabali ang pangil
sa paraang patas ang gawang pagsupil
Ng ating mga ‘bar justice’ nitong bansa
laban sa anumang paglabag ng kusa
sa batas ninuman, mayaman at dukha,
maging ng Pangulo hanggang sa ibaba.
Basta’t naaayon sa batas ng Diyos
at ng tao na rin ang gawang pagkilos
ng sinuman walang dapat ikatakot,
pagkat ang kakampi mismo’y Dakilang Lord!