Buntisan nang buntisan

    506
    0
    SHARE
    It seems, the year of the tiger is time for some entertainment citizens to be pregnant. Marami kasing buntis ngayon sa ating mga artista at apat sa kanila ay nasa mainstream sa ngayon.

    Parehong three months na buntis ang dalawang celebrities na sina Vicky Morales at Tanya Garcia.

    Yup, kapwa magiging happy moms na ulit sina Vicky at Tanya.

    Buntis din ang magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes.  Magksama sila sa Habang May Buhay ng ABS kaya puwwdeng sabihing suwerte ang naturang soap.

    Katunayan, sa rating nga ay nangunguna ang HMB sa mga soap na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Rubi ni Angelica Panganiban.

    Last month, kinumpirma ng almost three months nang buntis si Juday kaya masayang-masaya ang mister nitong si Ryan Agoncillo.

    Sa Showtime, masayang ibinalita ni Gladys na may Showtime baby siya at ito ay six weeks nang nasa loob ng kanyang tiyan.

    Lahat ng host sa Showtime ay tuwang-tuwa dahil sa ilang buwang pagiging judge ni Gladys sa naturang programa ay nakabuo raw sila ni Christopher (Rojas, asawa ni Gladys) ng another baby.

    Ang ganda nga ng chemistry nila Gladys at Vice Ganda, dahil biniro ni Vice na siya ang “ama” ng dinadalang sanggol ng mahusay na aktres.

    Si Anne Curtis naman, naiinggit at gusto na rin daw niyang magka-baby na tinukso naman ni Vhong Navarro ng: “Puwede ako o si Sam (Milby) ang gusto mo.”

    Ang very pleasant at warm GMA newscaster ay hindi pa rin makapaniwala sa pagbubuntis dahil parang kailan lang ay ipinanganak ang kambal niya.

    Tuwing Pasko ay naging tradisyon na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mag-caroling sa bahay ni Vicky at ng napakabait na niyang husband sa Forbes Oark, makati City.

    Nagkaroling kami nu’ng ipinagbubuntis pa lang ni Vicky ang kanilang kambal (after long years of waiting), hanggang nu’ng mag-one year old na ang cute na twins! 

    Feeling ni Vicky ay blessed na blessed siya sa bagong addition sa kanilang pamilya.

    Vicky is very amiable lalo sa showbiz press. You just have to know her personally at makikita mo ang kanyang pagiging totoong tao.

    Hindi siya ‘yung tipong porke sikat na broadcaster ay hindi na maabot. 

    Si Vicky pa mismo ang nagri-reach out sa mga kaibigan sa media.

    No doubt, isa si Vicky sa contender for the annual special award na Darling of the Press ng 26th PMPC Star Awards for Movies na idaraos sa April 24 sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

    Co-nominee ni Vicky as Darling of the Press sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Annabelle Rama, at Donna Villa. 

    As for Tanya Garcia, three months preggy din siya sa second child nila ni Mark Lapid. 

    Mukhang happy and contended na nga si Tanya sa pagiging dakilang ina at housewife.

    Wala pang planong magbalik-showbiz si Tanya, dahil hayan at buntis na naman siya.

    Pinaglilihian ni Tanya ang iba’t ibang seafoods at sa Facebook account niya ay larawan siya ng isang happy expecting mom.

    Kuntento na siya as wife and mom, pero nandu’n pa rin ang angking ganda ng fez, huh!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here