Home Opinion BULOK NA SISTEMA NG BATAS, KAILAN KAYA MAGWAWAKAS?

BULOK NA SISTEMA NG BATAS, KAILAN KAYA MAGWAWAKAS?

38
0
SHARE
1.
Ang NAGNAKAW ng mangga ay ipinahuli sa pulis
dahil na rin sa reklamo nitong negosyanteng INTSIK
agad itong PINOSASAN saka hinablot sa damit
nang pasakay na sa mobil TINADYAKAN pa sa puwit
at pagdating sa presinto sa selda ay IPINIIT
pagkaraang ang MIRANDA RIGHTS sa kanya’y iparinig
2.
Ngunit bago pa man ito sa SELDA ay maipasok
ay LAMOG na ang katawan sa katatadyak at suntok
dahil naroon ang intsik na noon ay NANONOOD
nagpasikat pa ang pulis na sa suspek ay BUMUGBOG
pagkaraan ang BIKTIMA bago pa man tumalikod
sa gumagawa ng BLOTTER ay may sobreng iniabot
3.
At dahil sa ang bikima’y hindi naman NAGDEMANDA
agad ding PINAKAWALAN yaong nagnakaw ng mangga
marahil ay dahil na rin sa maliit na HALAGA
ang intsik na nagreklamo ay ayaw ng MAABALA
at ang mga pulis naman dahil na rin sa pangamba
na sila ay makasuhan ng ILLEGAL DETENTION pa
4.
ito ang KATOTOHANAN na sadyang napakasaklap
pagdating sa IMPLUWENSIYA talo agad ang mahirap
pag sila ang NAGKASALA at may nalabag na batas
tila ang DUE PROCESS OF LAW ay di naipapatupad
mayayamang pulitiko mga pulis ang BODYGUARD
kahit na ang mga kaso’y mabigat at ‘SANDAMAKMAK
5.
Mga pulis na siyang dapat na maging SANDIGAN natin
upang ang pangil ng batas ay kanilang PAIRALIN
subalit ang nangyayari tila sila ay ALIPIN
ng ilan sa pulitiko na BALUKTOT ang gawain
kung sino ang MASASAMA na siyang dapat na puksain
siya pang PINOPROTEKTAHAN parang hari kung tratuhin
6.
TATLONG MANGGANG ay halaga ay wala pang isangdaan
sanhi ng pagkakakulong ng salat sa KABUHAYAN
samantalang ang nagnakaw sa KABAN ng ating bayan
MALAYA pa’t hanggang ngayon maayos ang kalagayan
naglalakihan ang MANSIYON magagara ang sasakyan
at ang pera ay nanggaling sa BUWIS ng mamamayan
7.
Ganyang uri ng SISTEMA ba ang dapat na maghari?
sa bayang IPINAGLABAN ng ating mga bayani?
laban sa mga dayuhang sa atin ay UMAGLAHI
yan ba ang nararapat na sa kanila ay ISUKLI ?
ang gawaing masama ng mga NAGHAHARING URI
di na dapat umiral pa at kailangan ng MABALI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here