Kailan sila gigising sa katotohanang laro lang ‘yung relasyong kuning-kuning nina Gerald at Kim.
If at all, kung true na magkarelasyon ang dalawa, kawawa lang si Kim dahil patuloy lang siyang pagtataksilan at iisahan ng hilaw na Amerikanong si Gerald.
Kesyo luma na raw ‘yung isyu noong nanligaw sa iba si Gerald. O baka hindi pa nila alam kung gaano kasama ang ugali ng lalaking ito. Bakit, hindi ba nila tinatanong si Jun Reyes na dating manager ni Gerlad kung anik anik ang pinaggagawa ng idol nila?
Anyway, hindi kaya nila inalam muna kung totoo ‘yung reklamo ni Pauleen Luna na kinyeme siya ni Gerald Anderson?
Kami rito, magpapatuloy ang paniniwala naming hindi kailan man tototohanin ni Gerald si Kim at puwedeng nang itaga ‘yan sa bato.
Hindi si Kim ang tipong babaing seseryosohin ni Gerald Anderson.
Hindi ba, Jun Reyes?