Home Headlines Bulacan, top performing province sa agrikultura sa Gitnang Luzon

Bulacan, top performing province sa agrikultura sa Gitnang Luzon

553
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Kinilala ng Department of Agriculture (DA) ang Bulacan bilang Top Performing Province (Rank 1) sa Gitnang Luzon noong 2025 sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at gawain ng ahensya.

Ayon sa DA, ang lalawigan ay consistent sa top performance nito sa rice production program tulad ng pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang sumusunod sa mga praktikang pang-ekolohiya sa pagsasaka, pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang sumailalim sa pagsasanay sa makabagong teknolohiya sa agrikultura, at pinakamataas na pagtaas ng ani sa mga magsasakang tumanggap ng tulong teknikal.

Gayundin nagtala ang Bulacan ng pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang kasapi sa programa ng pagseseguro sa pananim, pinakamaraming magsasaka na sumasali sa farmer field schools, at pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang matagumpay na nag-diversify ng kanilang pananim.

Kinilala ng Department of Agriculture ang Bulacan bilang Top Performing Province (Rank 1) sa Gitnang Luzon noong 2025 sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at gawain ng ahensya. (Bulacan PPAO)

Nakamit din nito ang pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang nakakuha ng organic certification, mataas na porsyento ng mga magsasakang matagumpay na nagbenta ng kanilang mga produkto, at pinakamataas na porsyento ng mga magsasakang sumusunod sa mga praktikang climate-smart agriculture.

Dahil dito, pinuri ni Gobernador Daniel Fernando ang mga manggagawa sa agrikultura, magsasaka, at extension workers ng lalawigan sa kanilang walang kapagurang dedikasyon.

Patunay aniya ang parangal ng sama-samang pagkilos ng mga nagta-trabaho sa likod ng mga programa upang palakasin ang sektor ng agrikultura. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here