Home Headlines Bulacan, muling tumanggap ng Excellence Award mula sa DA-PhilRice

Bulacan, muling tumanggap ng Excellence Award mula sa DA-PhilRice

499
0
SHARE
Tinanggap ni Provincial Agriculturist Gloria Carillo (panglima mula kaliwa) ang plake ng pagkilala sa lalawigan bilang Most Outstanding Province sa Luzon sa ilalim ng Large-scale Award Category na iginawad ng Department of Agriculture (DA)-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa ginanap na RCEF Awards Recognition of Partners. (PAO Bulacan)

LUNGSOD NG MALOLOS, (PIA) – Muling kinilala ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute o DA-PhilRice ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan bilang Most Outstanding Province sa Luzon sa ilalim ng Large-scale Award Category sa idinaos na RCEF Awards Recognition of Partners.

Sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office o PAO, nakamit ng lalawigan ang pagkilala dahil sa kanilang mahalagang papel sa pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Seed Program sa pamamagitan ng kanilang epektibong seed delivery at distribution targets.

Mula taong 2022, nagpamigay ng 160,881 bags ng seedlings ang PAO sa mga magsasaka.

Kabilang ito ang 53,192 bags noong 2022-2023 dry seasons; 72,806 bags noong wet season ng 2023; at 34,883 bags naman sa dry season ng 2023-2024.

Dahil dito, umabot ang produksyon ng mga magsasaka sa lalawigan ng 174,338.18 metric tons noong dry season ng 2022-2023; at 173,160.58 metric tons naman noong wet season ng 2023.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang halaga ng pagsunod sa mga programa ng DA upang mapalakas ang competitiveness at kita ng mga magsasaka sa Bulacan.

Ayon sa gobernador, sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, hindi lamang pinapalakas ang ekonomiya ng lalawigan, kundi nagsisilbi rin itong instrumento upang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasakang Bulakenyo.

Noong Agosto 2022, tumanggap ang probinsya ng Special Citation mula sa DA-PhilRice matapos makamit ang 100 porsyentong seed delivery target at cumulative distribution rate na 98 porsyento. (MJSC/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here