Home Headlines Bulacan Gov naka-recover na sa Covid-19

Bulacan Gov naka-recover na sa Covid-19

639
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS —- Naka-recover na sa sakit na Covid-19 si Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Nitong Martes ay dumalo na ito sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng pagkakatatag ng Malolos Congress sa Barasoain Church.

Hindi masyadong nagbigay ng detalye ang gobernador hinggil sa kanyang pagkakasakit ngunit nagpapasalamat daw siya sa mga health workers na nag-asikaso sa kaniya habang siya ay naka-quarantine.

Matatandaan na nagpositibo sa coronavirus ang gobernador noong August 29 at nag-quarantine sa offi cial residence nito sa Kapitolyo ng dalawang linggo.

Matapos sumailalim sa dalawang linggong self-isolation ay nagnegatibo na daw siya sa Covid-19 batay sa resulta ng kanyang swab test.

Samantala, plano pa daw nila na magpatayo ng mga karagdagang quarantine facilities sa lalawigan gaya ng planong itayong Provincial Mega Community Quarantine facility.

Aniya, malaking tulong ang pagkakaroon ng molecular laboratory dahil sa mabilis na resulta ng Covid-19 test sa loob lamang ng tatlong araw.

Nagbigay na din daw siya ng direktiba na hanggat maaari ay i-discourage ang home quarantine at hangga’t may mga bakanteng kama sa mga quarantine facilities ay ipagamit ito sa mga magpopositibong pasyente.

Batay naman sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Health Offi ce ay umakyat na sa 3,518 ang bilang ng confi rmed cases ng Covid-19 sa lalawigan.

Nasa 1,412 ang active cases, 2,020 na ang naka-recover, habang 86 naman ang namatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here