Bukod tangi si Oca

    369
    0
    SHARE

    Katulad ng mga nakaraang taon,
    At sa lahat ng pagkakataon,
    Tanging ang kilalang ‘world class city mayor’
    Ng San Fernando ang laging may panahon

    Upang bigyang pugay at alalahanin
    Ang mga dakilang kababayan natin,
    Na ibinuwis ang buhay dahil sa ‘ting
    Mithing kalayaan sa mapang-alipin.

    Gaya ni Don Jose ‘Sesing’ Abad Santos
    Na pamuling ginunita nitong a dos
    Ng Mayo ang naging dakila niyang handog
    Para sa ‘ting bayan, na minahal lubos

    At di naging duwag para lang iligtas
    Ang kanyang sarili sa situasyong tiyak
    Na maglalagay sa ikapapahamak
    Ng solong buhay sa di niya pagpayag

    Isuko sa kamay ng Imperyalistang
    Hapon itong Bayan at manumpa bilang
    Kaalyado nila at siya’y lubusang
    Pumapailalim sa pamamahala niyan

    Pero bilang isang tapat na ‘caretaker’
    Na iniwan noon ng pambansang lider
    Na si Manuel Quezon, itong si Kabalen
    Ay naging matatag at di nag-surrender

    Kundi bagkus di pa rin nito tinanggap
    Ang siya ay mag- ‘pledge of allegiance to the Jap,
    And to swear in as well to the Japanese flag’
    Kung kaya’t siya ay sinikap mahanap

    At nang madakip ay pinamili siya
    Sa dalawang bagay: “Makikiisa siya
    Sa pamamahala ng gobyerno nila
    O tuluyang siya ay papatayin na?”

    Pinili ng martyr ang siya’y mamatay
    Kaysa magtaksil sa kanyang Inangbayan,
    Kung kaya higit pa marahil kay Rizal
    Ang kay Abad Santos sa puntong naturan

    Pagkat kung ginusto nito ang maligtas
    Sa kamatayan ay nagawa niyang tiyak,
    Dahil puede naman siyang bumaligtad
    Sa kung anong naging naunang pahayag

    Pero nanatiling matapat sa sumpa
    Si “Sesing” sa kanyang tinubuang lupa
    Sukdang ang sariling buhay ang itaya
    Ay di pinagpalit sa taksil na laya

    At ang di malimot na sinabi nito
    Sa kanyang Junior ay ang salitang ito:
    “Huwag kang umiyak at ipakita mo
    Sa mga Hapones ang katapangan mo.

    Isang karangalan ang tao’y mamatay
    Para sa dakilang pag-ibig sa bayan;
    Pagkat bihira lang sa mundong ibabaw
    Ang oportunidad na dumating na yan”

    ‘Indeed, a patriot – and a martyr’ ngara pin
    Ding ka-Pilipino, partikular karing
    Kabalen tang’ pane makipagmasusing
    Kayabe ken indat datang ing antiting

    Pamipaganaka karing kayaldawan
    A beitan ampon aldo kematayan
    Ding bayani tamung sukat parangalan,
    King pamanimuna na ning Kapamalan

    Siyudad San Fernando, lalam nang upaya
    Ning ngara pin ‘World Class City Mayor Oca’
    A tune memukud pin king alang patna
    Nang pamagmasusi king antiting paksa

    A pamiparangal kareting bayani
    Ning Indung Balayan at sablang kalahi,
    At nu’ mekad y Oca ya pang ‘bukod tangi’
    Ing ginawa banting lupan ding tutuki!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here