Buking na buking na nagkaroon ng short affair sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz

    644
    0
    SHARE
    To quote a line from a blind item na lumabas  very recently, pinaasa lang pala ng  sikat na aktor ang young star na naging leading lady niya in some films kailan lang.

    This is obviously referring to no other than Sarah G and Lloydie Cruz .

    At heto nga, kalat na kalat na nga na halos oo na’ng sagot ni Sarah sa mga patutsada sa kanya ni John Lloyd noon. Kay pala inspired so to speak si Sarah na ganadong tinapos ang dalawang movie. And as if, para naman lalong maragdagan ang excitement ni Sarah, ayun, parehong blockbuster ang ginawa nilang movie ni John Lloyd. Kumbaga, kumampi nga sa kanila ang taumbayan dahil sinurportahan ang movie.

    First love nga raw si Sarah si John Lloyd at dahil guwapo na, sikat pa, feeling ni Sarah, nakahuli siya ng perfect match sa katauhan ni John Lloyd.

    And si Mommy Divine, boto kay John Lloyd dahil siya na mismo ang nagsabing ayaw niyang pakialaman ang lovelife ng anak for the simple reason na kung saan ito Masaya, doon na rin siya.

    Pero ayun nga, biglang naghalo si John Lloyd after the two movies. Sarah was left cluesless, pero hindi siya makapiyok dahil sikreto lang daw ang affair.

    Pumasok nga sa eksena si Ruffa G at alam na natin kung ano ang kuwento tungkol sa kanila ni John Lloyd.

    This when nagpa-interview naman si Mommy Divine na may tonong galit siya kay John Lloyd. Hindi niya madiretso pero halos sabihin na nitong niloko ni John Lloyd si SG.
    True kaya ito?

    Latest ay yung ngayon ay may isyung malamig na ang pakikitungo ni Sarah kay John Lloyd at kitang-kita raw ang pag-iwas nito sa ASAP noong Linggo. Sabi ni Sarah, siguro raw, nagkakailangan lang sila, kasi nga matagal na silang hindi nagkikita pero umaasa siyang isang araw, muli na naman silang magiging magka-bonding ni John Lloyd Cruz.

    May ganun?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here