Buhay may-asawa ni Senator Koko Pimentrel sinira ng pulitika?

    487
    0
    SHARE

    May mga taong agad nagbigay ng malisya tungkol sa pagsasalita ni Jewel Lobaton, estranged wife ni Senator Koko Pimentel.

    As everybody knows, lantad na naghiwalay na’ng mag-asawa at marami nang beses itong naungkat sa mga radio/tv broadcast.  Mismong si Senator Koko ang noo’y nagsabing labindalawang taon nilang inaayos ang kanilang pagsasama ni Jewel to no avail.

    Kumbaga, the senator is explaining that they already did what they had to do to save the marriage, pero wala ngang nangyari.

    Kailan lang, some press people had an encounter with Jewel kaya hindi na ito nakaiwas na magsalita na rin tungkol sa hiwalayan nila ng senador.

    Pero halos iisa lang naman ang statement ni Jewel, na gaya ni senator Koko, sinabi nitong they both want out of their way to save the union pero wala ngang nangyari.

    "I’ve loved him so much, I respected him, he is the father of my boys, at aaminin kong lahat talaga ginawa ko pero talagang marami kaming indifferences.

    Pero gaya nga nang nasabi namin, some people went out of their way to tell the senator about the interview at doon, may mga reactions na parang pinalalabas na siniraan nga ni Jewel ang dating asawa.

    But in good faith, sinasagot lang ni Jewel ang mga tanong sa kanya.

    For instance, Jewel mentioned something na magkaibigan pa rin sila ni Senator Koko, kahit na ngayong mukhang pareho na silang naka-move on sa kanilang hiwalayan. Kumbaga, everthing is settled, lalo na tungkol sa mga bata.

    "Like I said, he is the father of my children and I am not depriving him of that. Napag-usapan na namin yan at walang problema sa mga bagay na yan.

    And I am happy, he gives quality time to our boys, inaalagaan din niya ang mga ito. Yun kasi talaga ang maganda dun, kasi kung wala rin lang siya oras para sa kanila it’s better na ‘wag na niyang hiramin. 

    He loves and adores his boys, the same thing that I love them and that, I would like him to keep in mind, that even without him, our children will be in good hands, with me around," kuwento pa ni Jewel.

    Sinabi rin nitong hindi lang naman ang hiwalayan nila ang una.  Nung 2007 pa ay naghiwalay na sila pero naayos naman.

    "It came to a point na talagang hindi na puwede, masyado na kaming napulitika at kapuwa kami naging biktima ng sitwasyon," dugtong pa nito.

    Dagdag na detalye ni Jewel sa kanyang mga kuwento ay yung hindi sila nagkaroon ng oras to nurture their relationship, bilang mag-asawa.  "Importante kasi yun, ako bilang asawa niya, I surrendered everything to him, sabi ko nga, I respected him so much at talagang I supported him all the way."

    Ayon pa kay Jewel, all, if not most of their years together were spent in politics. When we met, nasa politics na siya. So sa bahay puro pulitika lang, then yung ibang mga taon, ganun din, parang all of our times, we spent in campagining, for him, for his dad, so yun, nakalimutan namin yung oras for us to nurture our marriage."

    Sa next columns namin, marami pang detalye kaming isusulat, but just the same, mukhang magkakatotoo na yung sinabi ni Jewel that when she finally speaks up, baka kesa makatulong ay makasira pa yun sa kandidatura ng kanyang asawa. Abangan po, marami pang kontrobersya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here