Home Headlines Buhawi nanalasa, poste ng kuryente nagbagsakan

Buhawi nanalasa, poste ng kuryente nagbagsakan

2255
0
SHARE

Nakahambalang ang mga malalaking poste sa kahabaan ng National Highway sa Castillejos, Zambales matapos dumaan ang buhawi. Kuha ni Johnny R. Reblando



CASTILLEJOS, Zambales — Nagtumbahan ang malalaking poste ng kuryente sa hagkis ng dumaan na buhawi alas- 5 ng hapon Linggo kasabay ng malakas na ulan at kulog.

Dahil dito hindi madaanan ang National Highway sa bayan ng Castillejos sa mga mga nakatumbang malalaking poste ng kuryente.

Wala na ring supply ng kuryente ang ilang barangay at inaalam pa ng Zambales Electric Cooperative ll ang pinsalang dulot ng buhawi.

Abala naman sa pagsasagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Zameco II para tanggalin ang mga nakahambalang na kawad ng kuryente sa daan.

Inaalam na din ng pulisya kung may nasaktan o nasugatan sa buhawi at ang halaga ng pinsalang dulot nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here