Home Headlines BSP: Panatiliing malinis ang pera sa sirkulasyon

BSP: Panatiliing malinis ang pera sa sirkulasyon

295
0
SHARE
Nililinaw ni Cherry Pongco, Bank Officer 2 ng BSP-North Luzon Regional Office ang maaaring gawin sa unfit na perang papel. Contributed photo

LUNGSOD NG CABANATUAN — Muling nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga bangko at sa publiko na magkaisang umaksiyon upang mapanatili na maayos at malinis ang pera sa sirkulasyon.

Ayon kay BSP-North Luzon Regional Office Bank Officer 2 Cherry Pongco, naiiwasan ang pagkalat ng peke o counterfeit na pera dahil madali itong makita kapag malinis ang perang papel na nahahawakan ng tao.

Sa panayam ay ipinaliwanag ni Pongco ang mga itinatadhana ng BSP Circular 829 hinggil sa Clean Note and Coin Policy.

Itinuturing na fit ang salaping papel kung ito ay nagamit na subalit naitatayo kapag hinawakan sa isang bahagi nito at kung malinaw na nakikita ang detalye ng mga imahe, paliwanag ni Ponco.

Mutilated naman ang perang papel na punit dulot ng sunog, kagat ng hayop, nabasa o iba pang kadahilanan.

Ang mga unfit na pera ay pwedeng ipapalit sa alin mang bangko samantalang ang mutilated ay maaaring dalhin at papalitan sa isang sangay ng BSP. Kailangan lamang na may sukat ito  na hindi  kukulangin sa 60 porsiyento at may natitira pang bahagi ng lagda ng presidente ng Pilipinas at pinuno ng BSP.

Sa barya, pwede ring papalitan ang marurumi o unfit subalit hindi na mapapalitan ang mga defaced o yaong kinaskas upang kuminis at mabura ang imahe o binutas.

Samantala, inilarga ng BSP ang Piso Caravan Program upang makapaghatid ng mas malawak na impormasyon sa publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here