Home Headlines Branch expansion, nakakatulong sa job creation ng bansa

Branch expansion, nakakatulong sa job creation ng bansa

414
0
SHARE
Para kay Rikko Martin Guillermo, isang management officer na naka-destino sa BDO Network Bank Lahug, Cebu, malaking tulong sa kanyang finances ang malipat sa kanyang bayan dahil mas nama-manage niya ang kanyang pang-araw-araw na gastusin.

Sa kabila ng desisyon ng ibang kababayan na maghanap ng trabaho abroad, marami pa ring job opportunities ang naghihintay na mapunan dito sa Pilipinas dahil sa patuloy na expansion ng mga businesses mula sa iba’t ibang industriya. 

Sa katunayan, base sa pinaka-latest na Labor Force Survey, ang employment rate sa bansa ay tumaas ng 95.5% noong Oktubre 2022 mula 95.0% ng nakalipas na buwan. 

Ang BDO Network Bank, ang community bank ng BDO, ay patuloy na nagsasagawa ng branch expansion sa mga malalayong bayan sa probinsya. Mahigit 800 job positions tulad ng branch heads, service officers, account officers at marketing assistants ang binuksan ng bangko para suportahan ang 106 branches at loan offices na nag-open noong 2022. 

“Ang pagbibigay ng opportunidad para sa mga local talents sa iba’t ibang komunidad ay hindi lamang bilang suporta sa expansion ng BDO Network Bank. Layunin din namin na makatulong sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa,” ani Jesus Antonio S. Itchon, president ng BDO Network Bank (BDONB).  Inaasahang mas marami pang trabaho ang mabubuksan dahil plano ng BDO Network Bank na magtayo ng karagdagang 100 branches sa mga probinsya sa 2023. 

Oportunidad na malapit sa pamilya

Hangad din ng BDO Network Bank na matulungan ang mga kababayang naghahanap ng trabaho sa kanilang bayan para hindi na malayo sa kanilang pamilya.

Tulad halimbawa ng nangyari kay Rikko Martin Guillermo, network management officer ng BDO Network Bank-Lahug, Cebu. 

“I am very thankful kasi pinayagan akong ma-destino sa Lahug, Cebu City office. Malaking tulong ito sa akin financially kasi magkasama na kami ng mahal ko sa buhay,” ani Rikko.

Malaki rin ang pasasalamat ni Allan Mark Nobleza, dating credit assistant sa BDONB Makati office na ngayon ay account representative sa BDO Network Bank-Sultan Kudarat, Esperanza branch.  

Nakatulong kay Mark ang malipat sa kanyang hometown dahil hindi na siya nag-aalala sa kanyang mga magulang at mas naging productive pa siya sa trabaho. Aniya, masayang umuwi araw-araw sa pamilya. 

Malaki ang pasasalamat ni Allan Mark Nobleza, isang account representative sa BDO Network Bank Sultan Kudarat branch, ang paglipat niya sa kanyang hometown dahil bukod sa malapit na siya sa kanyang pamilya, mas naging productive siya sa kanyang trabaho.

Para sa mga interesadong maging bahagi ng BDO Network Bank, bisitahin ang BDO Network Bank official FB page https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH para makita ang list of job vacancies. 

Maaari ring magpadala ng resume o CV sa mga sumusunod na email addresses na naka-assign sa inyong location. Sundin lang ang subject o title format sa ibaba:

<Trabaho na gustong applyan>,<Location>,<Name>

Example: Field Sales Officer_Tagbilaran_Juan Dela Cruz

NCR & Central Luzon: devera.michelle@bdo.com.ph

North Luzon: stodomingo.marianovita@bdo.com.ph

South Luzon: malinao.eunice@bdo.com.ph

Visayas: clitar.jojean@bdo.com.ph

Mindanao: bagares.marymagdalene@bdo.com.phAng BDO Network Bank ay hindi humihingi ng kahit na anong fees para sa job application. Para makasigurado, makipag-ugnayan lang sa mga lehitimong HR officers ng bangko o mag-PM sa https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here