IBA, Zambales – Tinatayang aabot sa P10-milyon ang halaga ng tinangay ng hindi pa kilalang mga miyembro ng Acetylene at Bolt Cutter Gang ng kanilang pasukin ang Bank of the Philippine Island (BPI) branch sa bayang ito noong Lunes ng madaling araw.
Laking gulat ng mga kawani ng bangko ng makitang nagsambulat ang mga kagamitang naiwan ng mga magnanakaw tulad ng hydraulic jack, dalawang money bag, adjustable ranges, cutter, hacksaw, portable acetylene, 14 na pirasong kahoy, oxygen tank, bareta, flashlight, screw drivers, maso at bolt cutter.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, isang buwan bago naganap ang pagnanakaw, dalawang lalaki na nakilala sa pangalang Rudy Macati at isang Engineer Eric ang umupa sa isang bahay na malapit sa bangko na pagmamay-ari ng isang pulis na si SPO1 Benedicto Basmayor ng San Felipe Police Station.
Nabatid na ang suspek ay nakapasok sa loob ng bangko sa pamamagitan ng paghukay sa lupa sa kanilang inuupahang bahay na may dalwang piye ang luwang, apat na piye ang lalim at 36 na piye ang haba bago ito lumagos sa tapat ng vault ng nasabing bangko.
Ayon sa ulat sinamantala ng mga suspek ang tatlong araw na walang pasok sa opisina ng isagawa ang pagnanakaw.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Zambales police hinggil sa nasabing insidente.