Boy Cruz laban sa kurapsyon

    420
    0
    SHARE
    aDoon po sa amin lalawigan ng Bulacan
    Dating alkalde kandidatong Kinatawan
    Sa Kongreso’y nangakong lalabanan
    Pandarambong na nagpapahirap sa bayan.

    Boy Cruz ang kanyang ngalan
    Sa ikalawang distrito’y kandidatong kinatawan
    Dating alkalde ng bayan ng Guiguinto
    Sa panunungkulan pinagpalang totoo.

    Working student sa kanyang kabataan
    Aral ng buhay sa Divisoria’y natutuhan
    Pagsisikap at determinasyon ang baon
    Napagtagumpayan hamon nga panahon.

    Naglingkod sa kumpanyang Shell Philippines
    Umunlad at wala isa mang inabuso
    Sa paniniwalang ang Philippines
    Uunlad kung katapatan ay nasa puso.

    Sa kanyang ikalawang laban bilang kinatawan
    Sa kongreso isusulong tapat na paglilingkod
    Pagananakaw sa kaban ng bayan
    Tutuldukan, di tatantatan, at lalabanan.

    Ngunit paano ang paglaban kung sa bulwaga’y
    Ang mga kasapi’y natutulad sa sirang tinapay
    Di kaya mahawa’t kapitan din ng amag
    Ang kandidatong nangangarap sa magdamag.

    Ani Boy Cruz, hindi siya mahahawa
    Malinis na paraan ng pagbabago’y magagawa
    Oversight committee sa kurapsyon na mangunguna
    Sa imbestigasyon at pagsansala aaniban niya.

    Bunga ng kurapsyon tunay na talamak
    Sa bawat silid-aralang matayo, isa ang nababalalak
    Sa bawat isang kilometro kalsadang i-construct
    Isang kilometro sa bulsa ay swak.

    Simple arithmetic, ani Boy Cruz
    Singkwenta porsyentong pera ng baya’y nauubos
    Kaya’t ang baya’y nagpapalimos
    Pero pera ng pulitiko’y di maubos-ubos.

    Kung babaligtarin at itutuwid ang sistema
    Kurapsyon ay ititigil at itatama
    Bayan sa uunlad ay lalaya
    Sa tanikala ng gahamang animo’y buwaya.

    Kaya’t aming paalala sa mga botante ngayong halalan
    Magsuring mabuti bago bumoto sa halalan
    Huwag basta tanggapin perang bayad sa boto mo
    Isiping iyon ay galing din sa bulsa mo.

    Itanong mo sa iyong sarili, saan nila babawiin
    Perang ginastos sa kampanya’t ipinambili ng boto
    Sila ba ay mag pabrika nito
    O sadyang marami ang naipon habang nasa tungkulin?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here