Boy Abunda saludo kay Gladys Reyes

    410
    0
    SHARE

    NAGING kontrobersyal at umani ng hindi magagandang komento sa social media ang tanong ni Boy Abunda kay Wowie de Guzman nang interbyuhin nila ni Janice de Belen ang nabiyudong aktor sa Buzz ng Bayan some three weeks ago.

    Kaya naman nang magkaroon kami ng pagkakataong makausap si Kuya Boy ay hiningan namin siya ng reaksyon tungkol dito. Ayon kay Kuya Boy, aminado naman siyang insensitive nga ang ibinatong first question kay Wowie.

    “Ano ’yung tanong? The question was “May mga usap-usapan sa social media, pinakita nila sa akin ang thread na nagsasabing pa-interview ka nang pa-interview kasi gusto mong mag-balik sa industriya.”

    Nasagot naman daw ni Wowie nang maayos ang tanong at wala namang naging problema. After the show ay na-basa niya ang text ni Gladys Reyes na matalik na kaibigan ni Wowie. Napaka-galang daw ng pagkaka-text ng aktres, in fairness.

    “Ang kanyang text message, nagsasabi na nasaktan siya at ang kan-yang mga kaibigan pati si Wowie, specifically du’n sa una kong tanong. “Pero I give it to Gladys, napakagalang ng pagka-text. ’Yung ‘nasaktan ho kami dahil sa nabulaga kami du’n sa unang tanong which we felt was in-sensitive.’ Hindi ’yung, ‘napakainsensitive mo naman, Kuya Boy,’ hindi.

    “Let’s give credit to her. Napakagalang ng kanyang pag-express ng disgusto doon sa paniniwala niya na insensitive ang unang tanong. “I agreed. I really felt that the fi rst question was insensitive. Sinagot ko si Gladys, nagpaliwanag ako. Sabi ko, “I take full responsibility. I apologize if I hurt you, if I hurt Wowie, if I hurt your friends. Pero gusto ko lang malaman mo that the question was not in the original questionnaire.”

    Kwento ni Kuya Boy, before the show ay may meeting sila at nagkaroon ng briefi ng sa mga questions. Wala sa briefi ng ang nasabing tanong. Maya-maya ay nilapitan daw siya ng head writer na si Mark at ipinakita sa kanya ang thread na may mga komento nga raw tungkol sa pagpapainterview ni Wowie dahil gusto umanong magbalik.

    Magalang naman daw ang tanong ni Mark sa kanya na kung puwede niya itong itanong kay Wowie and he said, “Mark, napaka-insensitive naman ng tanong na ’yan’. Unang-una, inimbita n’yo, pumayag.

    Pangalawa, nandiyan na live. I mean, I don’t think that’s proper. “Pero kung ang intent mo is for him to be able to address that dahil meron sa thread na nagsasabi na nagpapa-interview siya, eto ang kundisyon ko, puntahan n’yo sa dressing room ngayon (si Wowie), tanungin n’yo. Kung pumayag, okay. ’Pag hindi pumayag, ayoko.

    “Pumunta sila, tinanong, tinulungan pa si Wowie kung ano ang konstekto ng tanong para maintindihan niya, kung papayag siya, papayag ako. That’s the background. I shared that story to Gladys. “In fairness to Gladys, bumalik siya ng text, ‘maraming salamat po Kuya Boy sa inyong pang-unawa sa sakit na nararamdaman namin’.

    End of story. That’s the whole story. “Footnote to this story, sa tagal ko nang nag-iinterbyu, hindi ako natatakot magkamali ’coz nobody’s perfect, I’m always willing lalo na kapag kasalanan ko, to apologize. “At saka hindi ako ’yung ‘siya kasi’, I always take full responsibility.

    Magpapaliwanag lang ako nang kaunti because it’s important to note na alam ni Wowie,” pahayag ni Kuya Boy.

    Naging leksyon din daw sa King of Talk ang nangyari na hindi lahat ng makatwiran ay puwedeng itanong. Kahit pumayag daw si Wowie, he felt that he shouldn’t have done that.

    “Kahit nagpaalam sila kay Wowie, I should have followed my instinct na insensitive ang tanong,” he said. Kahit nakatanggap ng mga batikos si Kuya Boy mula sa netizens without even knowing the back story, wala naman daw galit sa puso niya at inirerespeto naman niya ang opinyon ng bawat tao aside from the fact na tinatanggap naman daw niya na nagkaroon din naman siya ng shortcomings.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here