Boy Abunda humahakot ng awards

    389
    0
    SHARE

    Muling humakot ng parangal ang late-night current affairs program ng ABS-CBN na The Bottomline with Boy Abunda sa ginanap na 8th USTv Students’ Choice Awards at Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards kamakailan.

    Kinilala ang Bottomline bilang Students’ Choice of Public Affairs–Talk Show Program sa USTv Awards at Best Development-Oriented Talk Show sa Gandingan.

    Pinarangalan rin ang host ng programang si Boy Abunda sa Gandingan bilang Best Development-Oriented Talk Show Host.

    Ang USTv Awards ay taunang parangal ng University of Sto. Tomas (UST) na kumikilala sa kagalingan ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at mga turo ng Katoliko.

    Samantala, ang Gandingan Awards naman ay ang awards program ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na nagbibigay din ng parangal sa mga programa at personalidad na nagtataguyod naman ng mga isyu para sa kaunlaran.

    Ang tatlong parangal ay dagdag patunay lamang sa kalidad at kagalingan ng nasabing programa ng Asia’s King of Talk.

    Matatandaang kinilala rin ang Bottomline bilang Best Talk Show for 2011 sa prestiyosong 16th Asian TV Awards kung saan tinalo nito ang anim na palabas ng ibang bansa sa Asya kabilang ang CNN Hong Kong at New Delhi TV ng India.

    Regular na napapanood ang The Bottomline with Boy Abunda tuwing Sabado ng gabi, 11:30 p.m, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here