SAN MARCELINO, Zambales — Isang 6-anyos na batang lalaki na tubong Barangay San Rafael sa bayang ito ang nakatakdang sumabak sa laro ng golf sa San Diego, Califonia sa darating na buwan ng Hulyo.
Ito ay si Mico Granada, Grade 2 pupil ng Xavier School ng San Juan City. Ayon sa tatay ni Mico na si Rolly, sa edad na 3 nang matuklasan ng ibang golfers na may kakayahan ang bata sa golf matapos makita itong ginagaya ang mga golfers sa kanilang paglalaro hanggang sa magka-edad ito ng limang taon ay doon na nagsimulang maglaro ng golf sa Malarayat Golf Course sa Batangas City.
Sa murang isipan ni Mico, nakalaban na nito ang kapwa niya mga bata na ayon sa kanyang ama ay pawang mga anak ng ng mga Chinese businessman. Si Mico ay nagkamit na ng 38 championship trophies at apat na champion medals, tatlo dito ay over all medals sa laro nito sa age category at walang manalo isa sa mga naging kalaban nito.
Ayon kay Rolly nakatakda namang maglaro sa Bagiuo Country Golf Club sa April 14 at 15, 2014 si Mico bago ito pumunta ng USA. Sa panayam kay Rolly kanyang sinabi na 10 taon itong naglalaro ng golf, pero sa ipinakitang kakayahan ng kanyang anak ay kakaiba.
Ayon naman kay Mico idolo nito ang world golf champion na si Tiger Woods. Pabiro naman sinabi ni Rolly na sa murang isipan ng kanyang anak, bagamat marami nang trophy at medalyang natanggap si Mico ay hindi parin aniya nitong makalimutan ang kanyang “bottle feeding” o “dede” pagkatapos ng kanyang laro at bago ito matulog.
Sa kabilang banda hindi naman napapabayaan ni Mico ang kanyang pag-aaral