Boxer sa CLRAA comatose

    445
    0
    SHARE

    IBA, Zambales—Comatose pa rin sa President Ramom Magsaysay Memorial Hospital ang isang atleta sa ginaganap na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) dito makaraan itong himatayin sa ring.

    Kinilala ni Senior Inspector Gilbert Diaz, hepe ng Iba Police Station, ang biktimang si Jonas Josua Garcia, 17, estudyante ng San Miguel National High School at residente ng Sta Rita Bata, San Miguel, Bulacan.

    Ang biktima ay kasama sa boxing competition sa delegasyon ng Bulacan kung saan kalaban nito si Johnie Gaspe, high school delegate ng Limay, Bataan. Ayon sa ulat, pagkatapos ng pangalawang round ng boxing competition dumugo ang ilong ng biktima at nakaramdam ng paninikip sa dibdib at pagkahilo hanggang sa tuluyan itong manghina at mawalan ng malay tao habang nasa loob ng boxing ring.

    Kaagad na binigyan ng first aid ang biktima, at kaagad na isinugod sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital hanggang sa tuluyan na itong ma-comatose. Kaugnay nito, sinuspende na ng DepEd ang lahat ng boxing competition ng CLRAA matapos ang insidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here