Lagare sina Kris at Vice last Sunday night dahil matapos ang stint sa Walang Hanggan concert, diretso naman sila sa premiere night ng A Secret Affair para manood at suportahan ang cast, lalung-lalo na nga si Anne na kaibigan nila pareho.
Kumpleto rin siyempre ang main cast ng Viva Films movie at sobrang dami rin ng taong dumating to the point na pati ang seats ng press people ay inupuan na ng fans.
Kinailangan ding isara ng Megamall management ang cinema area dahil talagang hindi na puwedeng magpapasok pa ng fans.
Dapat papurihan si Direk Nuel Naval for a job well done considering na first time niya ito to direct a movie.
Hindi boring ang pelikula, ang bilis ng pacing at maya’t maya ang pasabog na one-liner ng mga bida na talaga namang pinalakpakan at sinigawan ng mga manonood.
Isa sa pinakagusto naming punchline ay ’yung eksenang sinampal ni Anne si Andi sabay sabi ni Anne ng: “Ang sakit, ha! Ang tigas talaga ng mukha mo!” Sigawan to the max ang audience.
Scene stealer namang lalo si Jaclyn Jose sa kanyang mga linya. Ang galing-galing pa rin ng aktres at sana’y makuha rin ni Andi ang husay ng kanyang ina.
Bongga si Jaclyn doon sa eksenang sinasabihan ang kabit ng asawa ng “bitch ka lang, ako, super bitch!”
Samantala, muli na namang pinatunayan ni Derek sa pelikulang ito na siya pa rin ang hottest hunk ng bansa.
Grabe ang hotness at sexiness niya rito, as in! At si Anne, ang ganda-ganda niya sa buong pelikula.
After the movie, kanya-kanyang opinyon sa ending. Personally, gusto namin ang ending, pero hindi na namin sasabihin kung ano ito at panoorin n’yo na lang.
For sure, napakarami na namang makaka-relate sa pelikulang ito.