Bonggang-bongga na apat na unipormadong bodyguards ng bagong alaga ni Litoi De Guzman

    487
    0
    SHARE

    Nakilala ang controversial manager na si Lito de Guzman for such sexy talents as Ynez Veneracion, Hazel Espinosa and the Baywalk Beauties.

    Sa unang pagkakataon, he handles a wholesome new teen singer, Raia Quiroz, whose full name is Rachelle Anne Franco Quiroz. Taga-Telabastagan, City Of San Fernando in Pampanga, a fourth year OB Montessori student whose parents owns theme parks in Subic and other places, plus various 7-11 outlets, angbagong alaga ni Mother Lito.

    Sa prescon sa Rembrandt Hotel, nag-perform si Raia ng mga kanta mula sa debut album sa Concorde Music, “Tara Na.”

    Paakyat sa stage, apat na unipormadong bodyguards ang kasama ni Raia.

    When asked about this, talaga lang daw maingat ang daddy nila sa kanilang magkakapatid.

    “Super protective po talaga si Daddy,” paliwanag niya.

    Kaibigan daw ng pamilya nila si Lito De Guzman.

    “Eleven pa lang si Raia, nakita ko na ang potential niya,” sabi naman ni Lito.. “But I waited for her to grow up muna bago ko siya inihanap ng original songs from Boy Christopher and Blank Tape na siyang kasama sa albums niya ngayon.

    She’s very talented but I told her to focus muna on singing at saka na siya mag-artista.”

    Who’s her favorite singer? “Ever since, gusto ko ang boses ni Regine Velasquez po.”

    And who’d she like to be paired with in case she’d be an “artista”? “Si Jake Vargas po kasi kumakanta rin siya at magaling maggitara.”

    Most of the wholesome songs in Raia’s albums are for teenyboppers like “Baby Sorry Na,” “Hay Naku” (the first single), “Muntik Na,” “Para Kang Cellphone,” “Pangarap” and “Tara Na.” Watch her promote her album on TV, radio and mall shows.

    Mula sa buena familia ang ang bagong alagang ito alaga ni Lito de Guzman.

    Ayon sa parents ni Raia na sina Ricky at Gloria Quiroz, baby pa lamang si Raia, nakitaan na nila ng talento sa pag-awit.

    At kahit nagsisimula ng umawit itong si Raia at sandamakmak ang mga radio and TV guesting, nag-promise ang bagets na hindi pa rin pababayaan ang kanyang studies.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here