Bongbong Marcos mala-Miss Universe ang sagot

    457
    0
    SHARE
    Ang eldest son lang nila ng misis na si Lisa Araneta-Marcos ang kasama nina Sen. Bongbong Marcos nang humarap sila sa entertainment press. Nasa London ang dalawa pang anak ng mag-asawa.

    Kita ang closeness nina Sen. Bongbong at Lisa kay Sandro, very touchy sila at nagbibiruan, pero ramdam ang respeto sa bawat isa. Tutulong si Sandro sa kampanya ng ama, pagbalik niya at puwede raw siyang endorser nito.

    Runningmate ni Sen. Miriam Santiago si Sen. Bongbong at natutuwa ito na sa pag-iikot niya sa bansa, mainit ang pagtanggap sa kanya ng tao. Naririnig niya ang sinasabi ng mga tao kung gaano kaganda ang bansa noong panahon ng ama.

    Kalaban ni Sen. Bongbong si Sen. Chiz Escudero at maganda ang sagot nito sa tanong kung paano niya tatalunin si Sen. Chiz.

    “Hindi isyu sa akin kung paano ko tatalunin si Chiz, but how to win the election. My campaign is not against any person but a campaign for myself,” sagot nito na puwedeng pang-Miss Universe dahil maganda kahit maikli.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here