ang nakaragdag sa ‘kaningningan’ nina
Mayor Alejandrino ng Arayat, saka
kina City Mayors Pamintuan at EdSa
Ng Angeles at San Fernando, Pampanga,
(respectively), which was conferred in Manila
to the said recipients by SMI as a
recognition’ at/o ganap pagkilala
Sa kahusayan n’yan sa pamamahala
at mga mapuring bagay na nagawa,
Kaya naman hayan, bilang gantimpala,
magkakasabay na naparangalan nga
Ng Superbrands Marketing International,
bilang ‘Most Outstanding,’ kasama ang ilang
mga Alkalde rin nitong kapuluan,
sa naging ‘achievements’ sa panunungkulan
Na kung saan itong naturang okasyon
ay sa ‘The City Club’ ng Makati nitong
‘last week’ lang ginanap ‘for all concerned Mayors,
who played major roles with in building the nation.
Ang SMI ay isang ‘International
Award-giving body’ na may kaugnayan
sa ‘consumer and service products’nga nilang
kumikilala sa dapat parangalan.
Kaya, hayan bilang isa sa marapat
mabigyan muli ng ganito ring ‘Award,’
si EdPam – ‘on records’ ito ang pang-apat,
na kamakailan lang ay kanyang natanggap;
At kung saan sa pagkakataong ito
ay nakasabay si Mayor Ed Santiago,
ng maunlad na Lungsod ng San Fernando;
At si Arayat Mayor Bon Alejandrino.
Na napabilang sa mga mararangal
at tunay naman ding liping Kapampangan,
na humakot para sa’ting Inangbayan
ng ika nga natin ay gintong kamanyang.
Subalit di dahil, si EdPam ay tanyag
na Mayor ng isang asensadong siyudad
kung kaya malimit mabigyan ng ‘award,’
Kundi ng dahil sa taglay niyang sipag
Sa pagtupad n’yan ng marapat gampanan
para sa lungsod na pinamahalaan
niya ng matapat at ng buong husay
(sa loob ng ilang taong nakaraan).
Kung saan pang-‘multi award’ na kumbaga
itong kailan lang ay binigay sa kanya
ng Superbrands, puwera ang galing sa iba;
At pang-‘World Class City Mayor’ nga ang isa.
Na ayon kay Mayor Edgardo Pamintuan,
ang ‘latest’ ni hindi niya inaasahan,
Pagkat ang akala’y ang pang-tatlo niyang
nakamit ‘last year’ ang kahuli-hulian.
“While I am proud of this award” sabi nito,
“I am also humbled by it and would like you
to know that it gives me the strength to work harder
for the City and for our dear Kabalen”.
Sa puntong naturan na tatlong Kabayan
Natin itong magkasabay na nabigyan
Ng ‘award’ mula sa pang-internasyonal
Na ‘award-giving body,’ – makasaysayan.
(At di simpleng bagay na puedeng makamit
Sa pamamaraang gaya ng kay Lapid?
Na kapag hindi siya sumipot ng Lunes,
Di na makapa sa opis hanggang Biernes!?)