Boking’s term could be extended to 2016 election

    362
    0
    SHARE

    Sa lahat ng naging Alkalde marahil
    Dito sa Pampanga o saan pa mandin
    Sa buong mundo ay di kayang talunin
    Ang pagiging sobrang masuerte ni Boking

    In his field of public services as Mayor
    For the past 16 years of his beloved town;
    In which no one I think by mere comparison,
    Morales had the most outstanding of them all

    At di hihigitan ng kahit na sino
    Ang bilang at haba ng naging termino
    Niya bilang Punong-bayang nagserbisyo
    Sa kanyang Kabalen ng buong talino

    At pagiging matapat sa katungkulan
    Sa loob ng ilang taong nakaraan;
    Kung saan lubos nitong pinatunayan
    Ang kalinisan niya bilang lingkodbayan.

    At maituturing din namang mapalad
    Ang ngayon ay isa ng ganap na siyudad
    Sa pagkakaroon nito ng katulad
    Ni Boking na lubhang sa bayan malingap.

    Kaya nga’t kung puede pa siyang humabol
    Sa mga darating pang local election,
    Liban sa term pa niyang nakatakda nitong
    Harapin ‘next year’ o susunod na taon

    Wala na talagang pinaka-masuerte
    Sa lahat kundi ang butihing Alkalde
    Ng naturang bayan – na ngayon ay city
    Ng ganap at ito ay kanyang balwarte

    At baka sa mga panahong darating
    Ay pamuli’t-muli siyang tatangkilikin
    Ng mga Kabalen bilang natatanging
    Mabalaqueño sa husay nito’t galing.

    Kung saan posibleng ano pa mang puesto
    Ang hangaring maging katungkulan nito,
    Ay si Boking pa rin ang muling iboto
    Ng halos mahigit sa otsenta porsyento.

    At sana rin ngayong itong Mabalacat
    Ay kabilang na sa asensadong siyudad,
    Higit sa dati ay lalo pang lalakas
    Ang karisma niya sa mata ng lahat.

    Pagkat tunay namang lahat na ng bagay
    Na makabubuti sa kanilang bayan
    Ay taos sa puso niyang ginampanan
    Ng may sinseridad para sa kabayan.

    Na nagtiwala sa kakayahan nito
    Bilang punongbayan na nagpa-asenso
    Sa nasabing lugar hangga ngayong ito
    Ay tuluyan na ring maging lungsod mismo.

    Aywan lang natin kung ang butihing mayor
    Ay ‘entitled’ pa ng ‘3 successive terms’ ngayon
    Pagkaraan nga ng ‘official conversion’
    Nito bilang lungsod ‘from a progressive town’

    But as to what we may call SC conclusion  
    Morales was serving a first term as mayor
    And is entitled to a re-election for
    Another two terms more based on existing rule.

    So, Boking could still run again for mayor
    In the next two local/national election;
    Provided that he can keep going on and on
    In his genuine service and noble intentions!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here