Boking: Mabalacat town longest serving mayor

    371
    0
    SHARE

    Sa naging Alkalde ng Mabalacat town
    Si Boking ang tanging ‘longest serving mayor,’
    Liban kay Halili nang di pa bawal n’un
    O wala pang limit ang ‘terms’ ng paghabol

    Na kagaya ngayon na limitado nga
    Sa tatlong termino na tig-‘3 years,’ kaya
    Pagkatapos ng siyam na taon ay wala
    Ng ‘chance’ mag-reelect ang sinuman yata.

    Pero kakaiba ang kuwento ng kay Boking
    Kumpara sa ibang pulitiko natin,
    Sapagkat nagawa niyang pahigitin
    Ang ‘terms of office’ nito ng hanggang anim. 

    At kung saan sa ‘history’ ng ‘politics’
    Dito sa atin o sa buong Philippines
    Ay maituturing na ‘King’ si Morales,
    Sa lahat ng naging ‘local executives’;
     
    ‘In terms of longest serving elected mayor,
    Nowhere in our country ever acquired before
    By anyone but except Mabalacat town’s
    Marino Morales – in serving its people

    Which on record with just one month interruption
    For more than 18 years in his beloved town,
    Kaya lubhang napakapalad ni Mayor
    Sa puntong lahat na halos ng desisyon

    Ng ‘highest tribunal’ sa protesta ni Dee
    Na naging karibal sa pagka-Alkalde
    Ay pabor kay Boking ‘by technicality,’
    Kaya palagi nang talo si Anthony

    At halos wala ngang ‘gap’ ang labing-walong
    Taong pag-upo niya bilang isang Mayor,
    Kaya masasabi rin natin sigurong
    Pinakamasuerte sa Pampanga region

    Si Boking sa naging ‘local executive’
    Pagkat dahil na rin sa puntong nabanggit
    Ay nagawa niya nang kung ilang ulit
    Na mangibabaw siya sa’ting Bar of Justice.

    Pero wala namang dapat ipagsisi
    Ang mga ‘constituents’ nito sa nangyari
    Kasi tunay naman din siyang nagsilbi
    Ng tapat ‘in terms of his official duty’.

    At ‘never’ ika nga na naging masama
    Siyang panaginip sa mata ng madla
    Kaya naman puring-puri sa nagawa
    Niya sa bayan na parang pinagpala

    Sa pagkakaroon ng butihing Mayor
    Na bukas-palad sa gawaing pagtulong
    Sa lahat lalo na sa kabayan nitong
    Nangangailangan ng ‘medical attention’

    Na hindi malaman kung saan susuling
    Kapag maysakit at, kahit singkong duling
    Ay walang makapa sa bulsa o sapin
    Ng kanilang baul sa gitna ng dilim.

    Kaya ang tiyak na takbuhan ng iba,
    Partikular na riyan ang mga Aeta
    Ay si mayor Boking, kung saan kumbaga
    Ang kasagutan ay nasa kamay niya.

    Isa lamang yan sa halos di mabilang
    Ng mga gampanin at tinututukan
    Ni mayor Morales sa kanyang tanggapan,
    Na bukas sa lahat para sa kabayan. 
     
    Kaya sumobra man sa bilang ng taon
    Ang dapat ilagi ng butihing Mayor
    Sa munisipyo ng Mabalacat, di ‘yon
    Kailanman sa bayan nila naging ‘horror’

    Kundi dapat pa ngang ipagpasalamat
    Ng mamamayan ng ‘town of Mabalacat’
    Ang ‘by circumstances’ nagkar’un at sukat
    Sila ng Mayor na walang makatulad!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here