IBA, Zambales – Patay ang isang bokal sa lalawigan ng Zambales matapos atakihin sa puso habang nagsasalita sa ginanap na 13th regular session sa Provincial Capitol sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Peping Guttierez, board member sa unang distrito ng Zambales at residente ng Barangay San Guillermo, bayan ng San Marcelino.
Ayon sa ulat nagsasalita si Guttierez kaugnay sa usapin sa pagpasok ng isang bus company sa Zambales nang bigla na lamang itong atakihin sa puso. Kaagad na isinugod sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital si Guttierez, subalit ideneklara itong dead on arrival sa nasabing pagamutan.