LUNGSOD NG MALOLOS – Isang biyuda ang namatay at walong iba pa ang nasugatan sa pagsabog ng isang bodega ng paputok sa bayan ng Angat kamakailan.
Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng napinsala kabilang ang mga bahay ang nasira sa paligid ng bodega.
Ang biktimang namatay ay nakilalang si Linda Reyes, 54,biyuda at residente ng Sitio Tugatog, barangay Marungko, Angat.
Siya ay nabagsakan ng kongkretong pader na nabuwal dahil sa pagsabog; at idineklarang dead on arrival sa Norzagaray Community Hospital kung saan siya isinugod.
Ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Edgardo Padua, 17; Gena Biracal, 33; Juvilyn Alvarez, 16; Julia Aspe, 30; Wiwi Lorenzo, 33; and Angelita Dizo, 45, pawang nakatira sa mga bahayan sa gilid ng bodegang sumabog.
Sila ay isinugod sa Bulacan Medical Center (BMC) sa lungsod na ito.
Ang manggagawa naman ng paputok na sina Angelito, 36 at Alejandro Cruz, 30, ay isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial District Hospital sa bayan ng Sta. Maria.
Ayon sa ulat ng Angat Police, nagsimula ang pagsabog ng sumiklab ang pinuputol na mitsa ni Angelito.
Sa lakas ng pagsabog ng mga paputok sa bodega, nagiba nito ang pader at nasira ang mga katabing bahay.
Ayon sa pulisya, ang bahay na ginawang bodega ay pag-aari nina Allan at Beverly na kapwa sasampahan ng kaso.