BOBO-to ka ba? Sinong i-BOBO-to mo?

    345
    0
    SHARE
    Halalan na ngayong Lunes, Mayo 10, kung hindi mapo-postpone tulad ng panukala ng mga naglalakihang grupo dahil na rin sa pagpalya ng mga memory cards ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines.

    Dalawa ang aking tanong. BOBO-to ka ba? Sinong i-BOBO-to mo?



    Hindi po isang pagkakamali ang malalaking titik na “BOBO” sa aking dalawang tanong. Iyon ay isang pagbibigay diin sa aking puntong nais talakayin sa pitak na ito.

    Hindi po ibig sabihin nito at “BOBO” ang lahat ng botante at kandidato. Pero batay sa ilang nagsipagkomento na, mas nakakarami daw sa atin ang “BOBO.”



    May punto ang pananaw na nabanggit. Isa sa kanilang batayan ay ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa at bayan. Nakalulungkot mang aminin, ay pabagsak.

    Ipagpaumanhin ninyo ang pagbibigay diin ko sa salitang “BOBO” at sa nasabing pananaw. Kung minsan kailangan nating ulit-ulit na banggitin ito upang mapukaw ang natutulog na kaisipan.

    Bukod dito, ilang management specialist ang nagsabi na kapag kinilala mo ang iyong problema, ito ay nangangahulugan na iyo nang natugunan o naresolba ang 80 porsyento nito.



    Bilang paalala, narito ang ilang gabay-katanungan sa pagboto sa darating na halalan.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong walang karanasan sa pamamahala?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong walang malinaw na katibayan ng kakayahan sa pamumuno?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong may tala at bahid ng katiwalaan sa panahon ng panungkulan?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong mahilig sa “kabit”—kahit saan nagkakabit, nagdidikit ng poster, kahit wala sa common poster area?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nagmula sa angka ng pulitiko—lolo nila ay nahalal na at ngayon, pati mga pamangkin at anak sa labas ay kandidato na rin.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong puro porma at propaganda, wala namang plataporma.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong matapos ang tatlong taon sa Sangguniang Bayan o Panglalawigan ay walang ginawa kundi maupo at muntiok pang ma-food poisoning dahil napanisan ng laway sa di pagsasalita at nalulon ang lawayna panis.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong kasapi ng “upo-sisyon” sa Sanggunian—upo lang ng upo sa sesyon, hindi man lang makipag-debate.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong balik-balik sa puwesto, o kaya ay nakikipagpalita lang sa kapamilya sa pusweto?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nagsasabing madali silang lapitan, pero walang inilalahad na matinong programa?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nagsasabing mabait sila, pero halatang walang alam?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nababalitang mahilig sa “Koriyano”— may lagay ako riyan, patong ako riyan, parte ko riyan.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong tumanggap salapi at tinangka pang ilihim iyon ngunit inamin ding siya tumanggap ng pera matapos dumalo sa isang pulong sa Malakanyang.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong walang ginawa sa para sa proteksyon ng kagubatan sa Bulacan sa loob ng halos tatlong taon na nagdaan?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong matapos magdeklara ng state of calamity at nagastos ang calamity fund ay walang inilabas na ulat kung saan iyon nagastos?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong bumili ng mamahaling sasakyan sa panahon ng panunungkulan ngunit hindi nabayaran ang pagkakautang ng munisipyo sa kuryente?

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong puro propaganda ang ginawa sa panahon ng panunungkulan laban sa video karera, pero walang naipahuli matapos iyon.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong ayaw humarap ng tuwiran sa mga mamamahayag, sa halip ay naglathala ng sariling pahayagan para daw walang bumatikos.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong pinakandidato lamang ng isang mataas na opisyal para may masabing kandidato sa kanilang lungsod.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong “most promising”—puro pangako, maging mga mamamahayag ay pingakuan na tutulungan kaugnay ng isyu ng video karera, pero nabaril na ang isang media worker sa Bulacan ay wala pang ginawa sa Sangguniang Panglalawigan.
     

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong namaril ng isang media worker na kung hindi nakatakas ay napatay.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong tatlong sunod na termino nang nanungkulan ay kumakandidato pa rin.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidato na ang pamilya nangongontrata ng kanyang proyektong pagawaing bayan.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nagpatayo ng kung ano-anong proyekto katulad ng matadero pero hindi naman nagamit ilang taon na ang nakaraan.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong namili ng boto.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong tinakot ang mga botante na iboto siya.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong inangkin ang kredito sa pagawain bayan samantalang iyon ay proyekto ng ibang kandidato.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong walang ipinagmamalaki kungdi ang kanyang pera.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong nakipaghiwalay sa kanyang asawa at kumabit o nakipag-relasyon sa isang may-asawa.

    I-BOBO-to mo ba ang kandidatong binabatikos ang edad ng katunggali, ngunit siya mismo ay kulang sa abilidad.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here