Black propaganda, nakasasawa na

    682
    0
    SHARE
    Ano ba naman at nakaugalian na
    Ng ilan ang sobrang pamumulitika
    Sa pamamagitan ng ‘black propaganda’
    Upang siraan ang katunggali nila?

    Na kalimitan ay lubha namang salat
    Sa katotohanan ang kanilang banat
    Laban sa kung sino na naka-aangat,
    Sa “survey” o kaya di nila kasukat.

    Kung kaya bunsod ng ganyang (kalakaran?)
    Ay kung anu-anong gimik na kung minsan
    Ang nilulubid na kasinungalingan
    Para maka-ungos lamang sa kalaban.

    Na kagaya nitong nangyayari ngayon
    Sa pagitan nina Pamintuan at Blueboy
    Kung saan panahon pa yata ng Hapon
    Ang kay EdPam ay parating pinupukol

    Ng paulit-ulit gayong salat naman
    Sa katotohanan at napatunayan
    Na ang naturang isyu ay imbento lang
    Pero patuloy pa yatang kinakalkal.

    Ng kampo ni Blueboy sa panahong ito
    Base sa maraming samut-saring isyu
    Na ikinakalat sa Angeles mismo
    Laban kina EdPam ng kalaban nito

    Gayong kagaya nga ng ating nasabi
    Yan ay di naman po talagang nangyari;
    Kundi baka ‘black propaganda’ lang pati,
    Pagkat si Pamintuan ay malakas kasi

    Ang dating sa tao ng kanyang kampanya
    Dahilan na rin sa gustong-gusto nila
    Ang pagbabalik ni EdPam sa kanila
    Bilang mayor uli pagkat masipag siya.

    At talaga namang ang serbisyo nito
    Ay maka-Diyos at sadyang maka-tao
    At walang personal na interes nito
    Ang pamalakad niya sa city hall mismo.

    Subok na rin naman ang kakayahan niya,
    Di lang bilang Mayor kundi sa iba pa;
    Gaya nitong pagkatalaga sa kanya
    Ng ating Pangulo sa gabinete niya.

    Patunay lamang na ang gaya ni EdPam
    Ay maasahan sa anumang hawakan
    Nitong opisina sa pamahalaan,
    Kaya marami ang nagtitiwala riyan.

    Kaya ano pa mang gawin nitong iba,
    Si Pamintuan ay di nila basta-basta
    Kayang sirain sa paningin ng masa,
    Sa pamamagitan ng ‘black propaganda’

    Nitong nahirati na yata sa ganyan
    Para maka-ungos lamang sa kalaban;
    Na karaniwan nang pinag-gagawa riyan
    Ng iba kapag yan ay nakararamdam

    Ng posibleng pagkatalo sa halalan
    Kontra sa mahigpit na makakalaban,
    Kaya kung minsan ay sa ganyang paraan
    Na lang naninira ang ibang kalaban?
     
    Upang kahit papano ay magiba nila
    Ang kredibilidad ng kalaban nila,
    Gaya nitong paglalabas sa tuwina
    Nitong umano nga ay “black propaganda?”


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here