What is black propaganda? Its technical definition is that it is a false information and material that purports to be from a source on one side of the conflict but is actually from the opposite side. It is used to vilify, embarrass or misrepresent the enemy.
Another form of black propaganda is one where the source is NOT identified but the purpose is the same: to vilify, embarrass or misrepresent the enemy. Still another form is one where the real source is identified or declared and the information or material is apparently accurate yet slanted and distorted usually for the same purpose of vilifying, embarrassing and/or misrepresenting the target enemy.
Sa madaling salita, ang black propaganda ay isang kabulaanan o kasinungalingan o bulaang pamamahayag o impormasyon para siraan o ipahiya ang kalaban. Ito ay ginagawa sa iba’t-ibang kaparaanan:
(1) black propaganda na DIREKTANG TINUTUKOY kung saan galing o sino ang gumawa ng bulaang impormasyon (na kunwari ay sa source na direktang tinutukoy) pero ang totoo ito ay galing o gawa mismo ng kampo na naglabas ng kabulaanan o pinanggalingan ng kasinungalingan;
(2) black propaganda na HINDI DIREKTANG TINUTUKOY ANG SOURCE ng nakapaninirang kabulaanan; at (3) black propaganda na GANAP NA TINUTUKOY ang source ng impormasyon na sa unang pagbasa o pagdinig ay mukhang “accurate” o totoo, pero pag sinuri ay “slanted” or “distorted” o may anggulong nakasisira o ikakapahiya.
Alinman sa tatlong pormang ito ng black propaganda o anumang kumbinansyon nito ay may iisang layunin: ang siraan, pahiyain o wasakin ang kalaban, o ang sinumang tumatayong hadlang o balakid.
Sa kalakaran ng pulitika sa Pilipinas o maging sa ibang bansa, local man o nasyonal ang halalan, karaniwan nang umiiral ang pagamit ng black propaganda, AT ANG KARANIWANG GUMAGAMIT NITO AY MGA PULITIKO NA ANG PANINIWALA AY: “THERE’S NO SUBSTITUTE FOR VICTORY”, or “VICTORY AT ALL COSTS”, or “THE END JUSTIFIES THE MEANS”—mga paniniwalang ang tanging nilalayon ay pagkuha sa PODER NG KAPANGYARIHAN PULITIKA (or political power) kahit na ang maging dulo nito ay kapahamakan ng bayan o ng mga mamamayan, at kahit na sa pagkuha nito ay sukdulang ipagbili ng pulitiko ang sariling kaluluwa.
Inaanyayahan ko ang lahat ng aking mga cabalen dito sa Lungsod ng Angeles na magmasid at makiramdam, suriin at alamin kung meron sa mga kumakandidato sa anumang puwesto, mula konsehal hanggang mayor, na gumagamit o nagsisimulang gumamit ng black propaganda para siraan, ipahiya, o wasakin ang kalaban sa pulitika sa alinmang pamamaraang nabanggit.
Ang sinumang kandidato na gumagamit ng black propaganda ay hindi karapat-dapat sa pagtitiwala ng bayan. Ang sinuman na sa kanyang pamumulitika ay gumagamit ng kabulaanang mapanira o kasinungalingan para iligaw ang bayan sa katotohanan ay walang tanging hangad kundi sariling kapakanan.
Magmasid tayo at alamin kung merong kandidato na hindi makalapit sa bayan para ihayag sa matapat at malinis na pamamaraan ang kanyang tunay na layunin at mga adhikain, ang kanyang programa de gobyerno, ang kanyang record of public service, at ang kanyang plataporma para sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga Angelenos. At kung may nakita tayo na kandidato na hindi makalapit sa bayan dahil wala niyan at bagkus ay nangba-BLACK PROPAGANDA, ating tandaan: ANG TANGING PAKAY NG GANYANG KLASENG KANDIDATO AY PODER NG KAPANGYARIHAN, HINDI ANG MAKAPAGLINGKOD SA BAYAN.
Ang kandidatong may malinis na hangaring makapaglingkod sa bayan at sa mga mamamayan ay hindi gagamit ng black propaganda pagkat ito ay isang uri ng panlilinlang. Kung bukal sa puso ng kandidato ang maglingkod sa bayan, bakit niya kailangang linlangin ang mamamayan na dapat niyang paglingkuran? Bakit niya kailangang magsabog ng lason ng kasinungalingan para siraan ang kalabang kandidato? Bakit niya ibig iligaw sa katotohanan ang taong bayan?
Kailangan bang manira at manghiya ng kapwa, sukdulang gumamit ng black propaganda, para maiangat ang sarili? Kung ganyan ang kaisipan ng isang pulitiko, iyan ay nagpapatunay lamang ng pagkakaroon ng makasariling hangarin at ng kawalan ng mabuting pag-iisip. Nakakatakot pagtiwalaan ang ganyang klaseng kandidato. Walang magandang maidudulot sa Lungsod ng Angeles at sa mga Angelenos ang ganyang uri ng tao.
The best politics is efficient and effective public service. Nothing can beat it.
Agyu tamu ine, cabalen. See you again next week and Mabuhay!