Home Headlines Birthday gift: Isabela police frontliner namigay ng relief sa Bulacan

Birthday gift: Isabela police frontliner namigay ng relief sa Bulacan

1965
0
SHARE

Mula Isabela ay dala ni Lt. Col. Gerald Gamboa ang relief goods para ipamahagi sa mga kabarangay sa Tibig, Bulakan bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.


BULAKAN, Bulacan — Umuwi ng Bulakan ang isang police frontliner na naka-assign sa Isabela para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamimigay ng relief goods.

Si Lt.Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan, Isabela Police, ay umuwi ng Barangay Tibig dala ang 200 sako ng bigas, mga de lata, mga cold cuts na karne, at itlog mula Isabela para ipinamahagi sa mga residente ng barangay kung saan naman nanunungkulan ang asawa na si Maria Rosario Lava-Gamboa bilang barangay chairwoman.

Agad na nagbahay-bahay at ipinamigay ng mag-asawa ang dalang mga relief goods.

Ayon kay Col.Gamboa, nagpapasalamat siya dahil pinayagan siya ng Isabela Provincial Police Office na makauwi ng Bulakan para iselebra ang kanyang kaarawan na makasama ang pamilya at makapaghatid ng tulong sa kanyang mga kabarangay.

Aniya, aabot sa mahigit 2,000 pamilya ang mabibigyan ng kanilang mga food packs.

Masarap aniya sa pakiramdam na nakapagpamigay siya ng tulong sa mga kabarangay na mga apektado ang hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.

Bukod sa pamimigay ng relief ay natutuwa si Gamboa dahil nakapiling niya ang pamilya sa kanyang kaarawan na mahigit isang buwan na niyang hindi nakakasama magmula ng ipairal ang Luzon lockdown.

Nagpapasalamat naman ang mga residente ng barangay gaya ni si Joselito Litao dahil sa relief goods na ibigay sa kanila ng mag-asawang Gamboa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here