Binatang nakababad sa tubig, patay sa kuryente

    312
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan—Namatay ng nakatayo ang isang binata sa palengke ng bayang ito kahapon ng umaga matapos makuryente habang tinatanggal ang bombilya at nakatayo sa malalim na tubig hatid ng high tide

    Kinilala ni PO3 Dennis Salamat ang biktima na si Edsel  Enriquez, 19, binata, isang tindero ng kakanin sa palengke at residente ng Barangay Sta. Monica ng bayang ito.

    Sinabi ni Salamat na aksidente ang pagkamatay ni Enriquez.

    Inayunan naman ito ng mga saksi na nagsabing magsasara na ng tindahan ang binata bandang alas-6:30 ng umaga kahapon nang ito ay makuryente.

    Si Enriquez at ang pamilya nito ay regular na nagtitinda sa harap ng palengke ng bayang ito tuwing madaling araw, kaya’t bago dumating ang alas-8 ng umaga nagsasara ng tindahan ang mga ito.

    “Nasa kalakhan ang high tide nang makuryente yung bata, kawawa naman,” ani Nicanor Inocencio, dating kapitan ng Barangay San Sebastian.

    Bilang isang costal town, palaging lumulubog sa high tide ang malaking bahagi ng bayang ito, partikular na ang kabayanan kung saan matatagpuan ang palengke.

    Kaugnay nito, hiniling ng mga residente ng bayan kay Market Master Romeo Estrella ang mabilisang pagsasaayos ng palengke upang maiwasan ang mga disgrasya.

    Ayon sa mga residente, dapat ay ilipat ang mga sidewalk vendor sa loob ng pamilihang bayan dahil halos bakante naman ang loob ng palengke.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here