Home Headlines Binata nalunod sa palaisdaan

Binata nalunod sa palaisdaan

628
0
SHARE

LLANERA, Nueva Ecija — Isang 28anyos na binata na sinasabing may epilepsy ang patay sa pagkalunod sa abandonadong palaisdaan sa Barangay Caridad Sur ng bayang ito bandang alas-10 ng umaga nitong Lunes.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Joseph Berido, residente ng naturang barangay.

Ayon kay SSgt. Israel Sibuma, imbestigador ng Llanera police station, ang bangkay ng biktima ay natagpuang nakalutang sa tubigan ng fishpond sa Garcia’s Farm, Purok 3, Caridad Sur ng caretaker nito na si Orlando Manzano.

Bago dito ay nakita di-umano ni Manzano si Berido na patungo sa lugar na iyon na may mga bitbit na gamit sa panghuhuli ng isda.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na ang pagkamatay nito ay resulta ng aksidente lalo’t wala naman umanong palatandaan ng foul play, ayon kay Sibuma.

Sa Cabanatuan City, arestado ang 27-anyos na si Kimberly Anne Enrico, sa isang manhunt operation ng mga operatiba ng Cabanatuan City police station sa Barangay Mabini Homesite pasado alas-9 ng umaga nitong Lunes.

Sa ulat ng pulisya, ang pag-aresto sa suspect ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong slight physical injury na inisyu ng Municipal Trial Court in Cities Branch 3.

Nakakulong ngayon ang suspect sa female custodial facility ng CCPS.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here