Bimby Yap a superstar in the making

    398
    0
    SHARE

    DUMALO SA presscon ang stars, directors and producers ng pelikula. Co-producer ng “My Little Bossings” sina Vic Sotto (ng MZet TV Productions) at Kris Aquino (Kris Aquino Production) along with OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad and Tony Tuviera of APT Entertainment.

    Naroon din ang director ng pelikula na si Marlon Rivera along with Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap. Tanging si Tony Tuviera ng APT Entertainment lamang ang hindi namin namataan doon.

    Since fi rst movie ni Bimby ang “My Little Bossings,” Kris made it a point na maging memorable ang pelikula sa lahat laluna sa kanyang bunso. Kumuha si Kris ng stylist at acting coach para kay Bimby.

    Hindi pa man naipapalabas ang pelikula na tinatayang mangunguna sa takilya dahil buong pamilyaang target market nito, may alok na umano ang isang major TV station (ABS-CBN ba ito, Kris?) na gawin itong lingguhang sitcom.

    Kung ito man ay sa bakuran ng ABS-CBN, walang magiging problema kina Vic at Ryzza Mae dahil hindi sila exclusive talents ng GMA. Ito rin ang rason kung bakit nakakagawa ng programa si Vic sa bakuran ng TV5.

    Mataas ang respeto ni Kris kay Vic na nakatrabaho niya sa pelikulang “My Funny Valentine” in 1992. Si Vic din umano ang dahilan kung bakit niya pinayagan ang kanyang anak na si Bimby na mag-artista at mag-invest bilang isa sa mga producer ng pelikula.

    Kahit may participation sa “My Little Bossings” si Kris, pinatanggal niya ang kanyang litrato sa poster at hindi rin umano siya tumanggap ng talent fee sa pelikula. Nakasentro umano ang pelikula kay Vic at sa mga bata.

    At the presscon, Kris shared na lahat ng mga kinikita ni Bimby sa commercial at pelikula ay naka-deposit sa sariling trust fund nito na puwede lamang niyang makuha when he turns 25. Si Kris ang nag-suggest kay Vic at sa OctoArts Films at APT Entertainment na si Direk Marlon Rivera ang kuning director sa “My Little Bossings”.

    Dahil dito, agad nagpakuha si Vic ng kopya ng “Ang Babae sa Septic Tank” na dinirek ni Direk Marlon at kanya itong pinanood. After watching the movie, agad niyang ipinarating kay Kris na okey sa kanya ang director.

    Sa part naman ni Direk Marlon, hindi niya ikinakaila na na-intimidate siya kina Bossing (Vic) at Kris pero nang simulan na nila ang project ay nawala ito at napalitan ng respeto at paghanga sa dalawang major TV personalities.

    Samantala, hindi pinagselosan ni Bimby si Bossing for his mom dahil alam ni Bimby na maygirlfriend ito, si Pauleen Luna na dumadalaw umano sa set. Dahil sa pelikulang “My Little Bossings,” nagkaroon ng bagong friends si Bimby kina Vic, Aiza, Ryzza Mae, Direk Marlon at ang bumubuo ng production staff na madalas niyang makita habang ginagawa ang pelikula. Nagkaroon din ng instant rapport sina Bimby at Ryzza, ang mga bagong child stars sa kanilang henerasyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here