Billboard ni Vice Ganda, ipinatanggal sa Cebu

    285
    0
    SHARE
    WALANG kamalay-malay ang premiere comedian ng bansa na si Vice Ganda na magdudulot ng kontrobersiya ang kanyang billboard sa Cebu City na may kinalaman sa kanyang concert na gaganapin sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Hotel ng Cebu City, ang “Vice Gandang Gandang Sa Sarili sa Cebu (Eh Di Wow)”.

    Dahil umano sa mga reklamo, nagdesisyon si Administrator Lucelle Mercado, chairman ng Cebu City Anti-Indecency Board na ipatanggal ang controversial billboard ni Vice Ganda kung saan nakasuot siya ng seksing red grown at blonde hair at napapaligiran ng muscled topless men. Agad namang tumalima sa utos ang producer ng concert ni Vice Ganda, ang TSE Live, Inc. at ipinatanggal nila ang billboard ni Vice Ganda na may dalawang linggo nang nakabalandra.

    Ang nasabing controversial billboard ay siya ring image na ginamit sa Araneta concert ni Vice Ganda last May pero wala namang alingasngas na nangyari.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here