Ng ‘juvenile delinquency’ sa’ting bayan
Sanhi nitong ‘Bill’ ni Kiko Pangilinan,
Na pumuprotekta sa ‘human rights’ bilang
Nang inaasahang pag-asa ng bayan
Ng ating bayaning si Gat Jose Rizal
Pero nang dahil sa tila napasobra
Itong ‘Bill’ ni Kiko sa pagbigay niya
Ng luwag at iba pang karapatan nila,
Hayan nang dahil sa protektado sila
At di maaaring ikulong kahit na
Nakagawa (yata) ng pagkakasala.
Inabuso na n’yan ang saligang batas
Na nauukol sa kanilang ‘human rights,’
Sa kung anu-anong bagay na di dapat
Mangyari gaya ng nagagamit sukat
Ng mga kriminal, sa pangungulimbat
At iba pang illegal na aktibidad.
Kasi nang dahil sa tulad halimbawa
Nitong ang edad n’yan ay katorse na nga
Pataas – at hanggang disisyete yata,
Di puedeng kasuhan kahit nakagawa
Ng krimen, ang siyang nakababahala
At baka grabe ang idulot na sama.
Sapagkat nang dahil na rin sa puntong yan
Ay natural lang na anong pangamba n’yan
Na makulong kaya todo pasa lamang
Ang paggawa nila ng katarantaduhan;
Magnakaw, mandukot, mang-snatch ng bagay
Na pag-aari ng iba lalala riyan.
At sila sa isang banda ang malimit
Kasangkapanin sa di kanaisnais,
Na aktibidad at gawang di malinis
Ng mga halang ang kaluluwa’t isip,
Kasi protektado nga ng ‘bill’ ni Francis
Ang menor de edad sa lahat ng saglit.
Sa ganang sarili po naming opinyon,
Kung kami ang siyang inyong tinatanong,
Ang batas ni Kiko dapat na sigurong
Susugan at ating baguhin na ngayon;
Gawing hanggang trese na lamang din itong
Saklaw nitong ‘bill’ ng butihing Senador.
Pagkat itong edad katorse pataas,
Puede nang gamitin ng mga alagad
Ng kadiliman sa paggawa ng labag
Sa batas, gaya riyan ng pangungulimbat,
Liban sa pagpatay, dahil sila’y ligtas
Makasuhan dala ng kay Kiko’ng batas;
At iba pang krimenng nagaganap ngayon,
Kinasasangkutan nitong ating ‘minor,’
Kasi malalakas nga ang loob nitong
Mas nakararaming sa bisyo nalulong,
Bunsod din syempre ng batas ni Senador,
Na sila’y di puedeng kasuhan, ikulong;
At sa tuwing gagawa yan ng kasalanan,
DSWD ang nangangalaga riyan;
At ang nangyayari nakakawala yan
O pinatakas ng kinauukulan,
Dala marahil ng kakulangan minsan
Ng sapat na lugar na dapat paglagyan.
Dapat nang hilingin natin sa Kamara
At Senado ang yan ay repasuhin na
Upang mapalitan ang ngayo’y sistema
Na di na angkop sa panahon kumbaga;
At ito’y tuluyang i-repeal na nila,
Para sa ikabu-buti ng balana!